11 : Jeepney

1.5K 119 29
                                    

Chapter 11
Jeepney

Monica Point of view.

Pangatlong araw na ngayon simula ng umalis si Ninang. Well ,hindi naman sa umalis ,may inasikaso lang siya sa business niya at babalik din daw kaagad siya pero wala pang fix na araw but sana sa pagbalik niya pareho pa kaming buhay ng unggoy na ito.
Hahaha Biro lang syempre.

Noong unang araw medyo magulo pa ang lahat. Kagaya ng pagkain namin. Dahil sa pareho kaming late na nagising pumasok tuloy kami ng school ng hindi kumakain.

Noong pangalawang araw naman ,dahil ayaw na naming maulit pa ang nangyari noong unang araw , nagising kami ng mas maaga ,nagluto ako ng kakainin namin habang siya naman naglinis ng bahay.

Sa magkasunod na araw na iyon ay naging okay ang lahat. Hindi kami nag-away o nagkatampuhan.

Hindi rin kami nagkasagutan o nagkapikunan. Kumakain kami ng sabay ,nag-uusap na parang normal lang at minsan nagbibiruan pa.

Bago naman kami matulog nag-uusap kami tungkol sa mga assignments namin at sa iba pang bagay na nangyari sa amin doon sa school.

Naikwento niya din sa akin yung tungkol sa mga Golden students. Kisyo siya daw ang King at yung babaeng hilaw yung Queen. Sina Harry naman at Steven yung mga Prince.

Natanong ko din sa kanya yung tungkol sa pagpapapunta niya sa akin doon sa school clinic noong araw na maabutan ko sila ng hilaw na iyon.

Sabi niya naman may ibibigay daw dapat siya sa akin kaso 'yun nga nangyari yung iyak-iyak plus takbo-takbo moment ko. Kaya ayun napagkasunduan namin na ngayong araw niya nalang ibigay sa akin ang gusto niyang ibigay.

Josh Point of view.

Nakaupo ako ngayon sa sala namin ,hinihintay si pagong na lumabas sa kwarto niya.

"Ang tagal naman talaga mag-ayos ng mga babae. Nakakainis maghintay! "

Papunta kami ngayon sa park ,medyo malayo layo mula dito sa bahay. Nakasuot ako ng short na hanggang tuhod ,nakablack T-shirt na may nakasulat na ' ZXYTDWQYPLK"

NAGKATAON lang na ito yung bumagay sa pang-ibaba ko kaya ito ang isinuot ko. Take note itim yung shoes ko kaya ,bagay talaga ang damit ko dito.

Abala ako pag-iisip ng bumukas ang pintuan ng kwarto niya

[ NP : Sila ]
🎶 Matagal-tagal din nawalan ng gana
Pinagmamasdan ang dumaraan
Lagi nalang matigas ang loob ko🎶

"Kraaaakkkkkkkkk" parang tumigil ang lahat ng bagay sa mundo.

Hanggang si Monica nalang ang nakikita kong gumagalaw.

🎶 Sabik na may maramdaman
Di kaman bago sa paningin
Palihim kang nasa yakap kot lambing 🎶

Falling Inlove with my Roommate(COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن