Chapter One : Kumatok ka!

2.8K 86 5
                                    

Chapter one
Kumatok ka!

Josh: Bakit nandito ka sa bahay namin?

Monica: Eh kas--(pinutol niya ako)

Josh: Ah alam ko na-- Stalker kita no? Iba talaga ang epekto ko sa mga babae.(Pang-aasar nito habang nakangisi)

Monica: Wow naman ,ang kapal!!! Ano ka famous?

Josh: Well ,ikaw may sabi niyan hindi ako. Tsaka diba binaggit mo nga ang pangalan ko kanina!

Monica: Eh kasi--(pinutol niya ulit ako)

Josh: Opppps! Huwag ka nang magdahilan pa ala--

Ninang: Mmmm. Magkakilala na pala kayong dalawa mas mabuti atleast hindi ko na kailangan ipakilala kayo sa isa't-isa. Sege Josh mamaya niyo na ituloy yang kamustahan niyo ,dalhin mo na siya sa kwarto mo para maayos niya na ang mga gamit niya dun.

Josh: What do you mean ma?

Ninang: Anak ang slow mo naman ,syempre Simula ngayon doon na din ang kwarto niya kasi dito na siya titira sa atin.(Nakangitoniyang paliwanag sa anak niya.)

Monica: Po? Kaming dalawa po sa isang kwarto? Sure po ba kayo Ninang?

Ninang: Sure na sure inaanak. Tsaka hindi naman kayo matutulog ng magkatabi sa iisang kama ni Josh kasi dalawa ang kama niya dun tig-isa kayo. Pinaghandaan ko talaga ang pagtira mo dito. Tsaka feel at home ka lang dito hah.

Josh: MAAAA!--

Ninang: Pero kong gusto niyo talagang magtabi ng anak ko sa iisang kama. Ayos lang ,maganda nga iyon para magkaapo na din ako. Kyaaaahhhhh

Monica : NINANG!
Josh :MAMA!

Ninang: Ano ba kayo Joke lang! Sege iha basta wag kang mahihiyang magsabi sa amin kung anong kailangan mo ,tsaka yang si Josh sigurado magkakasundo kayo ,mabait yan masungit nga lang. ( at ngumiti ng napakalapad ang mama ni Josh )

Ninang: Sege Anak pumunta na kayo sa kwarto niyo ,magluluto lang ako ng tanghalian natin.

(AT UMAKYAT NA SILA SA TAAS PAPUNTA SA KWARTO NILA ,HALATA NA NAIINIS SI JOSH SA MGA NANGYAYARI)

Monica Point of view.

Nuunang naglakad si Josh papunta sa kwarto niya este sa kwarto pala namin. Ewwwww! Iniisip ko palang na makakasama ko tong lalaking to sa iisang kwarto ay kumukulo na talaga ang dugo ko, nakakainis ,bwesit! Kung hindi lang talaga para sa ninang at mommy ko ,hindi talaga ako papayag na tumira dito sa bahay nila.

At kung hindi lang talaga namin kaharap si ninang kanina baka nasapak ko na tong mokong na to. Arrrrrgggghhhh!

Napahinto ako sa pag-iisip ng pumasok sa isang kwarto ang lalaking nasa unahan ko.

"Anong tinatayo-tayo mo diyang babae ka? Wala kabang balak na pumasok ?" irita nilang tawag sa akin.

So ito na pala ang kwarto niya. Pumasok ako sa loob. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar , sa kwartong ito ay may dalawang magkahiwalay na kama. Sa bawat tabi ng kama at may tig-iisang mesa at sa gitna ng kwarto at may-isang TV. Sa gilid ng kwarto. Sa banda kaliwa kung saan At ang kama siguro ng lalaking ito at may pintuan.

Feeling ko ay iyon ang banyo. Sa may tabi naman ng kama ko ay may iisang bintana na tanaw ang labas at kalangitan.

Napaupo ako sa kama ko ,inilapag ko ang mga dala kong bag sa sahig.

Pinagpatuloy ko ang patingin-tingin ko sa buong silid ang linis niyang tingnan kumpara sa kwarto ko sa amin. Siguro palagi itong nililinis ng mga katulong nila. Kulay gatas ang loob ng kwarto ,ang dingding, pintuan at bintana pati pader.

Napansin ko din ang family picture nilang nakalagay sa ibabaw ng mesang nasa tabi ng kama niya. Nilapitan ko ito pero ng hahawakan ko na ay may malakas na kamay ang tumapik sa kamay ko.

"Kahit dito kana nakatira ,bisita ka pa din kaya wala kang karapatang makialam sa mga bagay na hindi sayo. Maliwanag?" halata sa boses ni Josh ang galit.

Nahiya ako bigla sa sarili ko. Alam kong kasalan ko kaya nag-apologize ako sa kanya.

"Para maging maayos ang pagtira mo dito. At para malaman mo kung saan ka lulugar at kung ano ang dapat at Hindi mo dapat gawin

Let's make a rule ,policy o kasunduan na pag-iisipan nating pareho. Deal?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Kung iisipin its a good thing ,para din naman sa amin yun tsaka Mabuti na din 'yun para kahit papano magkaroon kami ng peace of mind!

"Deal!" masigla kong sagot sa kanya habang inaabot ang kamay ko. Tinanggap niya naman ito.

"Okay get a pen and paper and doon tayo sa sala mag-iisip at magsusulat." at nauna na siyang lumabas ng kwarto.

SA SALA

"Ang tagal mo namang bumaba! Umupo kana dito bilis para matapos natin to kaagad ,baka maabot tayo ni mama!" naiirita niyang wika na kumakamot pa sa ulo niya.

Mainitin talaga ang ulo ng lalaking to pagdating sa akin ,first day palang to pero paubos na yong pasensya ko...

"Pasensya naman po ,naghanap pa po kasi ako ng papel duon sa taas eh." sarcastic kong sagot habang paupo.

"Wala akong pakialam ,magsulat ka na diyan. Akin ang rule no. 1"

RULE#1 BAWAL MAKIALAM NG KAHIT ANONG GAMIT NA HINDI SAYO

*Kring kring kring*

Sinagot ni Josh ang tawag sa kanya, umalis ito sa harapan ko ng hindi manlang nagpaalam ,walang modo talaga!

Mga ilang minuto na ang nakakalipas ngunit Hindi pa sin siya bumabalik.

Tatapusin pa ba namin to ngayon? Tanong ko sa isip ko.

Naghintay ulit ako ng ilang minuto pero Hindi na talaga siya bumalik kaya napagdesisyunan kong umakyat nalang sa kwarto para mag-ayos ng mga gamit ko.Baka Next time nalang namin itutuloy tong rules namin.

Wala siya dito sa kwarto nasaan kaya ang lalaking yun? Bahala na nga siya sa buhay niya!
Nilagay ko sa mesa ko ang papel na hawak ko kanina.

Habang inaayos ko ang mga damit ko naramdaman kong naiihi ako.

Kaya tumayo ako at tumakbo papuntang banyo sakto namang hindi naka lock ang pinto ay hinila ko ito at pumasok sa loob ,nakita ko ang hinahanap ko ,kaagad akong umupo dito ,binaba ang dapat ibaba at *wessshessssshh* At sarap at ang gaan sa pakiramdam na mailabas ang dapat mailabas ,napapapikit pa talaga ako pero maya-maya narinig ko ang pagbukas ng shower curtain ay iniluwa nito ang lalaking nakahubot-hubad pa na may hawak na tuwalya ,nanlaki ang mga mata ko at

"AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Falling Inlove with my Roommate(COMPLETED)Where stories live. Discover now