25 : Pagong'goy

840 39 24
                                    

25
Pagong'goy

Monica Point of view.

Patuloy lang ako sa pagtakbo. Maski ako hindi ko alam kung bakit ganun ang ginawa ko, kung bakit ganun ang mga inasal at sinabi ko. Nabigla lang siguro ako.






Ang dilim na as labas. Gabi na pala, hindi ko napansin na ganun na pala kami katagal sa pag-aayos doon.

Napatigil ako sa pagtakbo ng may humawak sa braso ko, "so-sorry...hindi ko sinasadya yung mga nasabi ko kanina."

Tumigil siya sa pagsasalita pero hindi ko siya sinagot, nanatili lang along nakayuko.

"Siguro nasabi ko iyon dahil sa...sa...se-selos," dagdag niya pa. Nanlaki namay yung mga mata ko sa sinabi niya.


Now playing: Baliw Sayo(Jroa)

🎶
Nung una kitang makita,
Binihag mo agad ang aking mga mata.
At dahan dahan ng nahulog
Hindi ko namalayan,
Na ikaw pala, ikaw na nga ang matagal ko ng hinintay




Selos? Saan?






"Gus-gusto ko kasi...a-ako lang. Gus-to ko ako lang ang mangungulit sayo. Gus-to ko ako lang yung aawayin mo. Gus-to ko ako lang yung sasamahan mo pauwi. Higit sa lahat gusto ko ako lang ang nag-iisang...ahhmmm unggoy sa buhay mo. Si unggoy na nag-aalaga at...at...at...nagmamahal sayo."

🎶
Oh, I'm fallin inlove with you.
Girl I just cant stop thinking bout you.
Ikaw ang laging sigaw ng pusong ito.
Kaya sana naman ako'y pansinin mo,
Pagbigyan ang pusong ito
🎶


Natigil ulit siya sa pagsasalita. Para naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang hindi pa kasi nagsisink-in sa utak ko yung narinig ko.




Falling Inlove with my Roommate(COMPLETED)Where stories live. Discover now