24 : Pain

791 45 43
                                    

Pain
24

Monica Point of view.

Ilang linggo na ang nakakalipas simula noong dumating si Kyara. Ilang linggo na din naming hindi nagpapansinan ni unggoy at ang nakakainis pa hindi ko alam ang rason.

Basta nagsimula nalang ang lahat noong magsimula na akong ihatid ni Timothy pauwi ng bahay gabi-gabi.

Gusto ko nga siyang kausapin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit? Kung anong problema o kung may problema ngaba kami, pero hindi ko mahagilap yung lakas ng loob na kausapin siya.

"Excuse me Monica, are you with us?"


Dahil sa nagyari parang ang awkward na tuloy pagnagkikita ko siya sa kwarto namin at pag nagkakasalubong kami sa ba--,"EXCUSE ME MONICA! LUMILIPAD NA NAMAN YANG ISIP MO, KANINA PA KITA TINANTANONG! KANINA PA KITA KINAKAUSAP PERO PARANG HINDI MO AKO NARIRINIG!!!!"bigla akong nabalik sa reyalidad nang marinig ko ang sigaw sakin ng teacher namin.

Napayuko nalang ako sa hiya.

"Sorr--," pinutol niya ako.

"Walng sorry sorry Monica. Ilang beses nang nangyari ito, once is enough...Nasa regular class tayo ngayon tapos nandito ka nga pero mentally absent ka naman kaya as a punishment maglilinis kayo ni Joshua sa library natin."

Bigla namang nanlaki yung mga mata ko, hindi dahil sa nabigla ako sa punishment namin pero dahil nabigla ako sa pangalang binanggit ni ma'am.

"But ma'am na--," pinutol niya ulit ako.

"No but's Monica, pinili niyong dalawa na maglakbay sa kalawakan habang nasa klase ko, kaya bagay lang iyan sa inyo."

Nakita kong tumayo si Unggoy at naglakad palabas. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung susunod ba ako sa kanya o hindi.

Tinignan ko si ma'am bago ulit magsalita.

"Ma'am please, I will follow you but wag yung kasama si Ung--"

"NO BUTT'S MONICA. FINAK NA YUNG DESISYUN KO. IM YOUR TEACHER KAYA AKO ANG MASUSUNOD! GET OUT NOW AND FOLLOW JOSHUA!!!"











***
Ilang oras na kaming nag-aayos ng mga libro dito sa library ni Unggoy pero kahit "Hi?" manlang hindi ko narinig sa kanya.

Nakatitig ako ngayon sa kanya. Seryoso siyang nagbabalik ng mga libro sa lalagyan nito.


Hindi ko alam kung anong nagpalakas ng loob ko pero napansin ko nalang ang mga paa ko na dahan-dahang naglalakad palapit sa kanya-kay unggoy.


"Unggoy?"mahina kong tawag sa pangalan niya.


Napalingon naman siya akin.

Saktong naman noong humakbang ako may narinig akong tunog nang kung anong mga nalaglag sa likuran ko.

Hanggang sa maramdaman ko nalang ang pagtulak sa akin ni Unggoyna naging dahilan para bumagsak ako sa sahig.

" Eh kasi naman Monica. Hindi ka nag-iingat! Ngayon ano? Aayusin ko na naman ito? Bwesit naman oh! Daming kaartihan!!"


Hindi kaagad ako nakatayo dahil hindi parin naproseso ng utak ko yung sinabi ni unggoy.

Nanginginig yung mga tuhod ko. Sumisikip yung dibdib ko at nag-iinit yung mga gilid ng mata ko. Ang sakit pala marinig yung mga salitang ito lalo na't galing pa sa kanya.

Kahit mahirap pinilit kong tumayo.

"So-sorry na gusto ko lang naman na kausapin ka dahil miss na miss na miss na kita, pero--," hindi ko na tinapos yung sasabihin ko dahil tumakbo na ako.

--
Author's Note

Miss na miss na miss ka lang pala eh.

Anong mangyayari sa kanila ngayon?

Vote ,comment ,share

Falling Inlove with my Roommate(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora