Chapter 31

51 1 2
                                    

Allen POV

Bakit hindi sinasagot ni Chris ang tawag ko nagalit kaya sya kasi hindi ko sya naihatid. Mga babae nga naman ang bababaw. Hindi ako makakatulog nito pag hindi pa sinagot ni Chris ang tawag ko makapunta na nga lang sa bahay nila!

Chris POV

Hindi ko magawang sagutin ang tawag ni Allen kasi naguguilty ako at baka hindi ko mapigil ang sarili ko baka umamin ako sa mga kasalanan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

MESSAGE: Lumabas ka sa bahay nyo! Mag-usap tayo

Halla bakit sya nandito masyado ng maraming nangyari ngayong araw hindi ko na ata kaya pa. teka ah! Mag-aanalyze lang ako ah! Kaninang umaga sweet kami ni Allen yung MOSH ko tapos nag-usap kami ni Michi tapos nahuli ko sila ni Margaratte nya at nag halikan at nakipagdate ako kay Michi. Tapos pati ba naman ngayong gabi may mangyayari pa. Masyado na yatang makulay ang buhay ko nito.

Totoo nga paglabas ko ng bahay nakaupo na si Allen sa tapat ng bahay naming nakatingin sa akin ng diretso nakakakaba naman toh. Kaya lumapit ako agad at tumabi sa kanya.

“Chris may sasabihin ko sayo” teka parang alam ko na kung sino ang pag-uusapan namin. De bale kunwari wala akong alam muna

“Anong sasabihin mo na hindi na makapaghintay bukas?”

“Dati may babae akong minahal ng sobra, as in kahit buhay ko iaalay ko para sa kanya. Kaso pinaghiwalay kami nangako sya sa akin na babalikan nya ako aayusin lang muna daw nya ang buhay nya. Pag balik daw nya eh wala ng hadlang sa amin” si Margarette siguro tinutukoy nya

“Simula ng iwan nya ako sobrang nasaktan ako kaya siguro naging ganito ako walang pakialam kung may masaktan na babae basta hindi ulit ako masaktan”

“Si Margarette ba yung tinutukoy mo?”

“Teka paano mo sya nakilala” gulat na gulat si Allen teka sasabihin ko na ba. Siguro ito na rin yung tamang panahon

“Kasi.. kanina.. sa totoo lang narinig ko yung pag-uusap nyo”

“Narinig at nakita mo lahat” nag nod lang ako at yumuko

“Sorry, Sorry pero ikaw ang mahal ko ngayon Chris” tapos niyakap ako ng mahigpit ni Allen, nakaka guilty naman toh!

“Allen umamin ka may nararamdaman ka pa rin ba sa kanya?” ngayon nagkatinginan kami sa mata, ano man ang isagot mo Allen no regrets

“Chris hindi na importante kung may nararamdaman pa ako sa kanya o wala ang importante ikaw kasi ikaw ang pinili ko”

“Mali ang sagot mo” bakit ganito biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi nya. Hindi ko matanggap na mahal din nya ang Margarette na yun.

“Chris mahal kita paniwalaan mo ako” hinawakan nya ang kamay ko kaso binawi ko din

“Allen siguro ung relasyon natin yung mali. Baka marealize mo na si Margarette pala ang mahal mo at hindi ako”

“Ikaw ang mahal ko”

“At baka marealize ko din na hindi ikaw ang mahal ko kundi si Michi pa rin”

“Anong ibig mong sabihin” its time para sabihin ko na ang totoo, karapatan nyang malaman ang tunay na nararamdaman ko

“Kanina umamin si Michi na gusto daw nya ako, na nagseselos daw sya, na ngayon lang daw nya nalaman ang tunay na nararamdaman nya sa akin”

“Chris ano ka ba hindi ka pa natuto, niloloko ka lang nyan ni Michi. Bakit ang bilis mong maniwala pag dating sa kanya” teka tumataas na ang tono ni Allen sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ang bilis kong maniwala kay Michi

"D' Bad Brothers"Where stories live. Discover now