Chapter 16

84 4 3
                                    

Meet: SuperHIRo

Miyaka POV

“Nasaan na kaya si Vince, umuwi na kaya sya?” kanina ko pa hinahanap si Vince pero hindi ko talaga sya makita. Kasama nya kaya ung kasayaw nya kanina.

“Uy Miyaka! Mukhang may hinahanap ka ah!”

“Angelo nakita mo ba si Vince”

“OO nasa labas may kasamang chicks”

“Ganun ba, sige salamat”

Kasama nga nya! Sino ba un wala naming nababanggit sakin si Vince na may kaibigan syang ganun. Puntahan ko kaya, wag na lang baka sabihin nya hinahanap ko sya. OO tama bahala sya sa buhay nya!

Pero hindi ako mapakali, sige na nga pupuntahan ko na sya. Pag tinatanong nya kung bakit ako nandon sasabihin ko nagpapahangin lang ako.

Kaso paglabas ko! Hindi ko gusto ung view! Si Vince yakap yakap ung babae.

“I MEAN BEST SUITOR EVER”

“I MEAN BEST SUITOR EVER”

“I MEAN BEST SUITOR EVER”                

Bakit nag-eecho, suitor suitor ibig sabihin nililigawan ni Vince ung babaeng un. Nanghina bigla ako, feeling ko wala akong malanghap na oxygen kaya ung puso ko sumisikip.

Ano pang hinihintay mo Miyaka dali alis na. kaya tumalikod na ako kaso nga lang

“Miyaka, ikaw ba yan?” opssss nakita nya ako. Anong gagawin ko kung tumakbo na lang kaya ako.

“Miyaka ikaw nga”

“Ah oo” mahinang sagot ko             

“Sakto pagdating mo, papakilala kita sa babaeng nilili_____”

“Ah! Pasensya na ha! Pero kailangan ko ng umalis sige BYE”

“Miyaka sandal lang”

Tapos tumakbo na ako at nag wave na lang habang tumatakbo palayo sa kanya. Palayo sa mahal kong si Vince palayo sa sakit na maaari kong maramdaman.

Bakit sino ba yung babae na un! Bakit nililigawan na sya ni Vince. Kasalanan ko naman toh eh! Masyado akong umasa. Umasa na balang araw mag iiba din ang tingin nya sa akin. Akala ko ako ang bida sa kwento ng buhay nya un pala extra lang ako. Ang sakit sa damdamin akala ko kahit kaunti may pag tingin sya sakin un pala kaibigan lang ako. Ano ng gagawin ko?

“Miyaka okey ka lang ba?”

Pagtingin ko si Hiro pala

“Hiro”

“Okey ka lang??”

Tapos hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak.

“Hiro, hindi ako okey, hindi ako okey, masyadong masakit”

Tapos niyakap ako ni Hiro

“Iiyaak mo lang yan”

Mas lalong bumuhos ang luha ko, dahil nandito si Hiro. Simula ng nag college ako hindi ko na napapansin si Hiro dahil laging na kay Vince ang oras ko. Hindi ko alam sa panahong nag-iisa ako si Hiro pa rin pala ang makakasama ko.

“Sorry, Sorry, Sorry Hiro hindi ko sinasadya”

“Tama na, naiintindihan naman kita eh!”

“Sorry kung naging masama akong kaibigan”

“Miyaka kahit kalian hindi ka naging masama, tatandaan mo yan”

Tapos tumingin ako kay Hiro, namiss ko ng sobra ang Boy Bestfriend ko

"D' Bad Brothers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon