Chapter 3

434 6 6
                                    

Gervic POV

After ng class namin, sinabihan kami ng president ng college of nursing na mamili na daw kami ng club na sasalihan at next week magkaroon ng Acquitance Party.

Ang arte talaga, may mga ganun ganun pa! kaya heto ako naghahanap ng sasalihang club.

May.....

Math Club - ayaw, kaya nga ako ng nursing kasi iwas math

Science Club – ayaw, hindi pa ba sapat ang puro science sa nursing

Sports Club – ayaw, hindi ako sporty

Drama Club – ayaw, hindi naman ako pang prince charming

Choir Club – ayaw, takot sa akin ang microphone

Band Club – B.I.N.G.O yan ang gusto ko dyan ako bagay

Kaya after ko makakuha ng registration form, pumunta na ako sa room kung saan magkakaroon ng try out. Siguro more on instrument na lang ako, marunong ako mag gitara, magdrums, mag piano oh diba yan ang hilig ko ang tumugtog.

Excited na ako at kinakabahan, although hindi ito ang first tym ko, kasi nung highschool ako guitarist ako ng banda naming at hindi lang un basta basta kasi kami ang pinaka sikat na banda. Kasi siguro  gwapo ung vocalist namin. Hayyyy pag gwapo nga naman lahat napapatango.

Habang paakyat ako at papalapit sa room kung saan ang try out naririnig ko ang bulung bulungan ng mga babae.

“Balita ko naghahanap ngayon ng bagong guitarist at vocalist ang Watson band, kasi graduate na ung dati”

“sayang naman, ang hot pa man din non”

“what do you expect lahat ng nasa Band Club gwapo kaya nga tayo nandito para maghunting ng boys”

Mga babae nga naman, pag may gwapo nawawala sa sarili nakakalimutan na ang babae ay ala Maria Clara dapat.

Teka lang..! pang mga gwapo daw ang Band Club, aba bagay na bagay ako rito ah. Gagalingan ko talaga para ako ang mapili na bagong guitarist.

Vince POV

Ng marinig ko ung sinabi ng mga babae na ang band club ay pang mga gwapo lang! napanghinaan ako ng loob kasi hindi naman ako gwapo. Simpleng tao lang ako, kaya naisip ko na sa choir na lang ako. Pero hindi rin ako bagay don kasi hasky ang tono ko.

Pero nabuhayan ako ng loob ng makita ko si Gervic ba un, na dumiretso pa rin kahit ganun ang narinig nya.

Malakas talaga ang loob nun, kaya sinundan ko sya. Sabagay mas may itsura naman ako kumpara sa kanya. Kaya naisip ko na pwede rin siguro ako.

Bago ako makapasok sa room, pinagtitinginan na ako ng mga babae don. At pinagbubulungan, ano kaya ang sinasabi nila?  Siguro pinipintasan nila ako.

"D' Bad Brothers"Where stories live. Discover now