Chapter 44

40 0 0
                                    

"Tyronne pare parang napapansin ko may eyebags ka na ngayon? Aba himala hindi ka na ba natutulog?" pang aasar ni Gervic


"OO nga! imbes na matulog lagi ka na lang nagbabasa ang tataas tuloy ng nakukuha mo. Baka mamaya mas matalino ka na kay Ian" saad ni Allen


"OO nga anong meron pre?" Vince


"Hindi ako makatulog?" pag amin ni Tyronne


"What? anong ibig mong sabihing hindi ka makatulog?" Angelo


"Kasi..... Kasi everytime na gustuhin ko matulog may napapaginipan ako" ayaw man aminin ni Tyronne pero madalas nyang mapaginipan si Arie. Hindi nya maintindihan ang sarili bakit laman lagi ng isip at pagtulog nya ang dalaga


"Ano napapaginipan mo?" Ian


"Wala wala! kung ano ano lang" maang maangan nya


"Alam mo Tyronne sabi nila yung napapaginipan mo yun ang laman ng subconscious mind mo?" Ian


"Ano sya na nga laman ng conscious mind ko pati ba naman subconscious" agad syang napahinto ng marealize kung ano ang kanyang sinabi


"SYA? meaning tao? o baka naman babae?" mapanuring mata ng mga kaibigan ang nakatingin sa kanya ngayon. Kaya wala syang nagawa kundi ang umamin na sa kanila


"Oo na oo na! babae nga! Si Arie kasi laging laman ng isip ko! pati sa panaginip sya ang laman. Kaya nga ayaw ko na lang matulog eh. Hindi ko maintindihan yung babaeng yun akala ko gusto nya ako tapos bigla na lang mawawala. Ano yun paasa! sabi nya liligawan nya ako hindi naman pala" hinihingal si Tyronne matapos nyang sabihin ang tunay nyang nararamdaman


Agad natahimik ang lima at naka ngangang nakatingin kay Tyronne.


"Pre yan na ang pinaka mahaba mong linya! unbelievable" pang aasar ni Gervic ng mahimasmasan sila sa pag amin ni Tyronne


"Dude! you're in love" sabi ni Angelo! Agad syang natigilan sa sinabi nito parang nasapol din sa wakas ang tunay nyang nararamdaman para kay Arie.


"Pare naman! gusto mo yung babae kaya ka nagkakaganyan!" Allen


"At saka ano yung sinasabi mong liligawan ka nya! bading ka ba? lalaki kaya nanliligaw" Ian


"Ian nanligaw ka na ba?" tanong ni Gervic


"Hindi pa bakit?"


"Diba lalaki ang nanliligaw, tapos di ka pa nanliligaw, at dapat lalaki ang nanliligaw dahil pag babae ang nanligaw ano na ulit tawag?" 


"Bading" pagkasagot ni Ian nagtawanan ang iba.


Habang nagtatawanan sila, pasimple akong umalis. Kailangan kong makita si Arie kailangan kong makumpirma kung ano talaga itong nararamdaman ko. 


"D' Bad Brothers"Место, где живут истории. Откройте их для себя