Chapter 36

48 1 0
                                    

“Angelo gusto kong ipakilala sayo ang boy bestfriend ko”

“Talaga may kaibigan kang lalaki bakit parang hindi ko naman sya nakikita”

“Sa Nightingale Academy kasi sya nag-aaral”

“Talaga close ba kayo nun?”

“OO Super close kami, magkababata kasi kami eh! Nagkahiwalay lang kami ngayong college”

“Kaibigan lang ba talaga ang turing mo sa kanya ni hindi ka ba nagkagusto sa kanya”

“Ahhhh syempre sa tagal naming magkaibigan nagkaroon din ng pagkakataon na naging iba yung turing ko sa kanya pero mas pinahalagaan ko ang pagkakaibigan namin”

“Ahhhh.” Natawa naman ako sa sagot nya halatang nagseselos sya!

“Wag ka ng magselos” sabi ko habang niyuyugyog ang balikat nya

“Hindi ako nag seselos ah!”

“OO tama yan kasi may girlfriend na sya! At mahal na mahal nya yun kaya wala kang dapat ipagalala” nag sigh na lang sya kasi wala naman dapat syang ikaselos kung may spark kami eh! di sana naging kami ng bestfriend ko dati pa.

“Sige na Sha Sha mag order ka na” hayyy hanggang ngayon Sha Sha pa din ang tawag sa akin wala man lang syang endearment kahit unting tamis wala man lang.

“Sha Sha lang talaga ang itatawag mo sa akin?”

“OO ano ba dapat?”

“Angelo naman wala ba tayong magiging tawagan”

“Wag na Sha Sha na lang ang itatawag ko sayo at ako tawagin mo na lang ako sa pangalan kong Angelo” seryoso na sabi nya wala man lang ekspresyon yun mukha nya napaka cold nyang tao, nakakainis talaga

“KDAT” sabi ko habang hindi bumubuka ang labi!

“SNAMMMMPPPYYYY” paglingon ko si Samson ang bestfriend ko nandito na kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap sya ng mahigpit

“YAH! Wag nga kayong magyakapan” sabi ng girlfriend yang si Rachel habang pinaghihiwalay kaming dalawa. Kaya natawa na lang kaming dalawa ni Samson lagi kasi syang ganyan eh! Ayaw nyang ipahawak sa akin yung boyfriend nya.

“Ikaw talaga honey ang cute cute mo” sabi ni Samson habang pinipisil ang pisngi ni Rachel na ngayong nakanguso at parang batang nakapulupot sa braso ni Samson

“Hindi ka pa rin nagbabago Rachel! Wag kang mag-alala hindi ko aagawain si Samson sayo! Kasi may boyfriend na ako” paglingon ko si Angelo nakaupo pa din habang nakatingin sa amin. Tiningnan ko sya ng masama na parang sinasabing ano bang ginagawa mo dyan tumayo ka nga. Buti na lang nabasa nya kung anong ibig kong sabihin kaya tumayo sya at tumabi sa akin

“Sammy si Angelo boyfriend ko!” ngumiti silang dalawa at nag shake hands

“Hoy! Angelo wag kayong mag brebreak ni Sha Sha kasi pag yan na broken heart tiyak kay Samson sya lalapit at magpapa comfort at ayokong mangyari yun!” nakakatawa talaga si Rachel kulang na lang hindi na kami magkita ni Samson kasi sobra syang nagseselos pag magkasama kami.

“Honey! Hindi sila mag brebreak parang tayo forever diba” sabi ni Samson habang nagpapacute kay Rachel, minsan nasusuka ako sa ka sweetan nila pero wala akong magawa ganun nila kamahal ang isa’t isa eh! Nakakainggit noh!

Napatingin ako kay Angelo yung tingin na parang sinasabi na ang sweet nila naiinggit ako. Pero wa effect ang pagpapacute ko kasi no comment pa rin sya ni hindi man lang ako akbayan o kaya ngitian man lang. wala na talaga syang pag-asa!

"D' Bad Brothers"Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum