Chapter 2

736 9 2
                                    

Chapter 2 (First day of Class)

“I tought karamihan sa mga Nurse na lalaki gwapo”

“Yah! Pero bakit kaya nag Nursing yan”

“OO nga eh! Panira ng araw”

“HE’s not handsome “

“Nor, Tall or hot”

Yan ang mga bulong bulungan ng mga babae ng Makita nila si Gervic . Well hindi mo rin sila masisisi, sobrang disappointed lang sila.

Since first day ng klase, sa likod umupo si gervic. Mas gusto kasi nyang hindi sya napapansin. Pero kahit anong tahimik at layo nya trending pa rin sya.

During the class discussion, napansin ng iba na walang dalang Bag si Gervic. Isang notebook at ballpen lang ang dala nito.

Palibhasa first day sa college, akala yata nya hindi kailangan ng libro. Kung alam lang nya na mas madami pang bitbit ngayon kaysa nung highschool.

Gervic POV

Anak naman ng tokwa, kung pag-uusapan at mamaliitin nila ako sana naman ung hindi ko naririnig. Eh halos ipagsulsulan nila sa akin na hindi ako bagay sa Nursing.

Ayoko rin naman ng Nursing, mama ko lang may gusto nito, kung hindi lang nya ako pinakiusapan, hindi talaga ito ang kukunin ko. Ano kaya ang nagustuhan ni mama sa Nursing, ung uniform ba na puti.

Hayyyy.. walajo mas gusto ko talaga ang I.T puro computer. Kaysa naman dito puro katawan ng tao ang pinag-aaralan mo, nakakahilo lang.

Eh kung titingnan mo hindi naman nagkakalayo ung mukha ko sa mga gwapong lalaking to. Kung makapag pintas naman tong mga to eh parang mas pogi pa ako. For sure ang iba dyan bakla at least ako lalaking lalaki diba.

Hindi gaya ng isang yun, parang bakla, malamya kung gumalaw at parang nasa loob ang kulo. Ano kayang pangalan ng lalaking un kung lalaki man sya. Sayang lang ang genes hindi na maisasalin pa.

Ian POV

Bakit kaya nakatingin sa akin tong taong to, akala ba nya mas gwapo sya sa akin. Sus eh mukhang janitor at easy go lucky which I hate the most.

By the way I’m Ian Estrada sobrang kabaligtaran ko ung taong un parang kolokoy un, ako naman seryoso sa buhay kasi every seconds count, kailangan mabuhay ka ng tama dahil minsan ka lang mabubuhay sa mundo. Para pag dumating ang oras mo at tanungin ka ni San Pedro kung ano ang nagawa mong mabuti at least marami kang masasagot.

Kaya nga I spend my life, with god as my inspiration. Mula kasi ng magsakristan ako sobrang nalapit ako kay God. Ung parang gusto ko kung papasok ako sa isang relasyon ung taong un na ang ihaharap ko sa simbahan.

Na laging na mimisinterpret ng iba napagkakamalan nila akong bading kasi daw sa gwapo kong to eh wala pa akong nagiging GF. Pag sinasabi ko naman na hindi pamantayan ang bilang ng gf para mapatunayan ang pagkalalaki…eh halos malukot ang mukha nila sa pagkunot ng noo.

Sabi pa nga nila…

“Alam mo Ian 2 lang ang iisipin mo sa taong gwapo ganito un”

"D' Bad Brothers"Where stories live. Discover now