Chapter 32 - Angelo D' Fat Guy

60 1 0
                                    

Angelo D’ Fat Guy

“Angelo pare kamusta 3rd year na tayo zero pa rin ang lovelife mo. Asaan na yang yabang mo eh naunahan pa kitang makahanap ng chix eh! Weak talaga” nang-aasar nanaman tong si Gervic sus pasalamat sya bulag ung girlfriend nya at naka helmet kaya hindi pa nauuntog.

“Gervic kasi sa sobrang dami ng chix ko eh hindi na ako makapili”

“Sus palusot.com ka nanaman, Pre unting asenso naman oh! Kung ako sayo patulan mo na yang si Shamcey”

“Hoy bakit ko narinig ang pangalan ko” sabat ni Shamcey

“Ano ka ba Gervic kung si Shamcey lang din wag na lang kadiri ah!” sabi ko

“Hoy Angelo at sino namang nagsabi na papatol ako sayo, kapal naman ng taba mo” ayan nanaman nag-umpisa nanaman ang asaran. Sus talo naman sakin tong si Shamcey eh

“Shamcey hindi na lang ako magsasalita baka masaktan ka lang. wag ka ng umasa sa akin dahil hindi kita gusto”

“Ang kapal mo talaga, ikaw ang wag umasa dahil kahit kailan hindi kita magugustuhan tsseee…” sabay walk out ganyan yan lagi pag naaasar nag wawalk out pero mabait yang si Shamcey at isa sya sa mga kaibigan kong babae. Kaso lagi kong inaasar kasi laging talo kaya siguro naging hobby ko ang pang-aasar sa kanya.

“Hayy naku ka Angelo ayaw mo kay Shamcey ayan kay Gail na lang wag ka ng Choosssyyy hindi ka naman yummy kasi ika’y healthy” ano ba tong si Gervic ganun na ba talaga ka desperado ang lovelife ko para kung sino sino na lang

“Hoy bakit pangalan ko ang narinig ko” aniya ni Gail

“Gail kung pwede daw bang kayo na lang ni Angelo” asar ni Gervic

“Ha?? Anong kami???” natatarantang sabi ni Gail bakit ba sya natataranta at namumula

“Hoy Gervic ano bang pinagsasabi mo na kami ni Gail” sabi ko sa kanya habang naka tiger look

“Easy lang kayong dalawa, ang sabi ko kung pwede kayo na lang dalawa ang partner sa D’biggest loser sakto doubles ang kailangan” susuntukin ko na sana si Gervic kaso nakatayo na sya at nasa pintuan

“Halika nga dito Gervic loko ka ah!” naiinis na sabi ko

“Ikaw naman Joke lang! bagay kayo ni Gail pareho kayong healthy” tarantado talaga tong si Gervic pasalamat sya hindi ko sya kayang habulin pag nakita ko sya mamaya lagot sa akin yung mokong na yun

“Angelo loko loko talaga yung si Gervic noh! Parang ewan imposible namang maging tayo”

“At bakit naman imposible? Malay mo diba” matapos kong sabihin yun biglang nag sink in sa isip ko kung ano yung sinabi ko parang may mali ata

“Ibig kong sabihin lahat ng bagay possible kung ito’y tinadhana” ay naku mas lalo atang mali hindi na nga ako magsasalita baka kung ano pang isipin ni Gail at umasa pa sa akin. Ang yabang ko noh hayaan nyo na defense mechanism ko kasi yan para hindi bumaba ang self esteem ko.

“Hoy Angelo magkaibigan tayo walang patusan”

“Asa ka naman” medyo na disappoint ako sa sinabi ni Gail ibig sabihin ayaw din nya sa akin.

Hay wala na atang pag-asa ang lovelife ko mukhang totoo yung hula sa akin na tatanda akong mag-isa. Maisip ko lang yun nalulungkot na ako.

(IMAGINE)

“Sir may Senior Citizen card po”

“Aba, Ine ito yung card ko”

"D' Bad Brothers"Where stories live. Discover now