Chapter 35

43 1 0
                                    

Sobrang excited ako ngayon kasi this is the most awaited tour. And ang saya lang kasi kahit hindi pa kami nakakarating doon feel namin malapit na kami kasi nag iimagine na kami kung anong itsura ng lugar na yun. At syempre hindi mawawala sa road trip ang kantahan at syempre ang asaran tinatanong nyo pa ba kung sino yung inaasar syempre ako nanaman yun at syempre si Angelo nanaman ang nangunguna sa pang bwibwisit sa akin wala ng nagbago don.

Akala ko pa naman may something na sa amin pero wala pa din pala!  wala na talaga syang pag-asang magbago parte na ng kaluluwa nya ang asarin ako. It’s either deal with it or deal with it wala na talaga akong choice kundi tanggapin na ganun na talaga sya at wala na akong magagawa pa dun.

“Hoy Sha Sha pansin ko hindi ka na naasar kay Angelo ah! Anong nangyari” pambwibwisit ni Gervic

Ang malas ko maski sa seating arrangement hindi pa rin ako makakatakas katabi ko si Xy one of my BFF mula kasi ng lumipat ng section si Miyaka kaming dalawa na lang yung natira. At sa harap namin sina Gervic at Angelo o diba wala na talaga akong takas sa kanya

“Naasar pa din ako pero may magagawa pa ba ako! Hobby nyo na ata yan eh! Ang mangasar ng kapwa”

“Ako hobby ko pero si Angelo needs nya yun?”

“Ha? Pinagsasabi mo bakit naman needs?”

“Kasi kailangan nya yun para pansinin mo sya” naguluhan naman ako sa mga pinagsasabi ni Gervic

“Para mapansin ko sya?” paglilinaw ko

“OO alam mo kasi kaming mga lalaki…” tumingin sya sa katabi nyang si Angelo para siguraduhin na hindi ito gising at hindi nito maririnig yung sasabihin nya

“Ano ba kasi yun…”

“Minsan kasi pag di namin masabi yung nararamdaman namin dinadaan namin sa asar reverse psychology parang ganun”

“Reverse Psychology? Parang mali yung pinapakita sa nararamdaman? Pagsinabi na ayoko sayo ibig sabihin gusto ka? Ganun ba yun?”

“OO ganun nga!”  kahit naiintindihan ko yung sinasabi ni Gervic magulo pa din sa isip ko!

“Ang  gawin mo hanapin mo yung weakness nya o kaya yung soft part nya”

“Hahanapin ko kung saan nakatago yung pusong mamon nya ganun ba yun?”

“OO bingo ka dyan Sha Sha”

“At bakit ko naman gagawin yun, anong makukuha ko”

“Sus wag ng mag deny obvious naman eh!”

“Hoy ano bang pinagsasabi mo?”

“Kunwari ka pa! halata naman na gusto mo si Angelo”

“Hoyyy hindi kaya”

“OO kaya”

“Ah basta hindi ako aamin…”

“Sabi na  eh” tapos umupo na ng maayos si Gervic, ano ba tong pinagsasabi nya hindi ko sya gusto hindi ko pa kayang tanggapin sa sarili ko na gusto ko nga sya, hindi pa ako ready. Alam nyo naman siguro yung sinasabi ko diba, yung kahit alam mo sa sarili mo yung nararamdaman mo hindi mo pa rin magawang maamin kasi may dahilan ka it’s either unbelievable o hindi kapani-paniwala.

Peste na Gervic na toh imbes na natutulog ako sa biyahe, iniisip ko tuloy yung sinabi nya kanina. What if try ko ngang hanapin yung soft part nya baka sakaling magtagumpay din ako. Nooooooo… ano ka ba Shamcey ikaw ang babae dapat ikaw ang sinusuyo tandaan mo ang babaeng pinaghihirapan ay hindi pinakakawalan. TAMA dapat sya ang unang gumawa ng move tapos ako na ang tatapos Nyeeeee….. ano ba tong sinasabi ko tama na nga hindi na ako mag-iisip.

"D' Bad Brothers"Where stories live. Discover now