Chapter 9

170 6 3
                                    

Matapos ang speed dating na un! Nagulo na ang buhay ko.

Flashback

“Please like me” paulit ulit na sinasabi ng babaeng un ang katagang please like me

Kaso kahit paulit ulit nyang sabihin, hindi pa rin ma process ng utak ko,  Kaya natatameme lang ako.

“Silence means yes, does it means you like me too” ano daw I lke her too! Ano bang tanong yan oo gustong gusto kita.

Pero hindi pa rin ako makapagsalita masyado akong gulat sa pangyayari. Kaya hindi ko namalayang papalapit na ung mukha ng babae sa mukha ko. Hanggang nagdikit na ang aming mga ilong.

Hindi ko maipaliwanag pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ung tipong ang hirap ng huminga.

Hanggang sa hinawakan nya ang pisngi ko. Ramdam kong namula na ako. At sa sobrang lapit namin ramdam ko rin ang paghinga nya.

Sobrang kabado ako ngayon pero sa kabilang banda may part sa puso ko na sobrang saya.

“Please like me” narinig ko nanaman ung salitang un kaya unti unti ng na process ng isip ko kung ano nga ba ang sinsabi ng babaeng toh!

“No need to say please, because I already like you” bigla ko tuloy nabitawan ang mga salitang toh! Hayyyyssss… nakakainis napaka easy to get kong lalaki

“Really, so you also like me” halata mo sa mga mata nya na natuwa sya sa sinabi ko

“I like you”

Hindi na nagsalita ung babae hindi na rin ako nakapagsalita ng bigla nya akong hinalikan. Sobrang nagulat ako pero dahil parang gusto ko na rin naman sya hinayaan ko na lang syang makapuntos sa pinaka gwapong nilalang.

END OF FLASHBACK

Haysss.. sobrang nagsisisi ako dahil nagulo ng sobra ung buhay ko. Ang daming nagba bash sakin sa FB mula ng kumalat ung picture naming na naghahalikan.

Pag pumapasok ako sa school kulang na lang bugbugin ako ng mga lalaki sa sama ng tingin sakin.

At pag nakikita ako ng mga kababaihan, daig ko pa si Daniel Padilla kung pagkaguluhan.

Hindi na simple ang buhay ko ngayon ikaw ba naman ma link sa pinaka magandang babae sa Watson Academy.

At higit sa lahat hindi na ako tinitigilan ng Mariechelle.

Tuwing breaktym lagi syang nasa labas ng room ko hinihintay ako,  Sabay daw kami sa lunch. Pag- uwian, gusto nya hinahatid nya ako sa bahay.

Ang weird kasi kahit sabihin kong wag syang sumunod, sunod pa rin sya ng sunod. Pag sinasabi kong wag mo na akong ihatid kasi lalaki ang gumagawa nun.

"D' Bad Brothers"Where stories live. Discover now