Chapter 34

45 1 0
                                    

Shamcey POV

Bakit sa lahat ng uutusan nila ako pa, nabanggit ko lang naman ng pupunta ako sa mall tapos pinasabay na nila sa akin ang lahat ng bibilhin para sa tour namin. Ok lang sana kung kakaunti kaso halos lahat ata ng kailangan sa akin na pinapa bili at ang masaklap walang gustong sumama sa akin. Busy daw sila sa mga naka assigned sa kanila nag mamaktol na ako kanina sa room pero wala pa ring mabuting puso na ka klase ko ang gustong sumama sa akin. Pero kahit mag iiyak ako dun wala rin akong mapapala kaya agad na akong pumunta sa mall.

First stop NBS bibili kasi ako ng Mocking Jay book kasi tapos ko nayung book 1 and 2 ng hunger games nabitin ako kaya bibili na ako ng book 3.

“Bakit ba wala akong mahanap ng Mocking Jay book! Nakakainis naman oh!” kanina pa ako umiikot pero ni anino wala akong makita. Actually bumili na din ako ng mga art materials na kailangan namin para sa health teaching kaso wala pa din akong makitang mocking jay book.

“Miss meron pa po bang Mocking Jay na book?”

“Ay wala na Miss, sold out na”

“Ano? Sold out na! anak ng tokwa naman oh” yung kaisa isang dahilan kung bakit ako pupunta sa mall ay dahil sa libro na yun tapos wala din pala. Ano toh nagsasayang lang pala ako ng pagod nautusan pa ako! Bakit ba ang malas ko!

Kaya no choice ako kundi ang sundin lahat ng utos nila ang bilhin lahat ng pinapabili nila sa akin. Alam mo yung inis na inis ka na tapos ang haba pa ng pila sarap sapakin nung nasa unahan mo kasi ang dami nyang binili pwede naman na sa likod ko na lang sya o kaya paunahin na lang nya ako.

Kaya after 100 miliion years ako na ung nasa cashier, nakabusangot akong nilalapag yung mga pinamili ko actually padabog kong nilalagay.

“Miss wag na kayong mainis kasi napaka swerte nyo! Kayo lang naman ang pang 100th costumer namin! kaya makaka receive kayo ng free Bestseller book namin na Mocking Jay” nanlaki yung mata ko hindi dahil gulat ako kundi feel ko niloloko lang ako ng babaeng toh

“Weh! Hindi nga”

“OO nga po Mam, ito na po oh!” nung inabot sa akin nung babae yung libro doon ko napatunayan na hindi nga joke yung sinasabi nya kundi totoo. Kaya naman dahan dahan kng kinuha yung libro na inaabot nga as in slow motion talaga!

“Akin na talaga ito”

“Opo Mam inyo na po yan” kaya kahit medyo nagtataka ako kinuha ko pa din aba ganun talaga sinuswerte ata ako eh! Ito na ba ang bunga ng pagmamabuti kong loob salamat aking panginoon

Kung kanina inis na inis ako, aba nag shift agad ang mood ko sobrang saya ko na ngayon kasi nakakuha ako ng libro na gusto ko tapos libre pa, kaya naman dahil dun mas naging bukal sa kalooban ko ang bumili ng mga inuutos sa akin kasi pinagpapala naman ako ngayon eh!

Next stop Department store

Dito ko na naisipang bumili ng mga ropes, rubrics, bola ang kung ano ano pang laruan na gagamitin namin para sa tour. 2 days ang tour namin yung 1st day health teaching sa community yung second day ay time building namin.

“Since nandito na ako, makabili na nga lang ng shades” kailangan ko ng shades syempre summer na diba! Kailangan kong protektahan ang aking mga mata

“Teka saan na ba dito ang bilihan ng shades nakalimutan ko na” bakit parang ang tanga ko kasi hindi ko makita yung stall para sa mga shades, paikot ikot na ako pero wala pa din akong makita. Yung totoo shades ba ang kailangan ko o eyeglasses ang labo na ng mata ko eh

“Mam gusto nyo po ba mag avail ng promo namin” paglingon ko isang pogi na lalaki ang nasa harap ko, kaso nga lang boses ipis sya kaya medyo epic. Dumarami na ang mga ganun pogi sana kaso boses ipis yung iba naman ang tinis at ang liit hindi bumabagay sa looks nila. Pero ok na yung at least gwapo diba pwede ng pagtiyagaan

"D' Bad Brothers"Where stories live. Discover now