Extra Scene

3.3K 68 6
                                    

Completed na 'tong kuwento pero from time to time, may lumilitaw sa isip kong scenes nila. Tapos hindi ako mapakali at kailangan kong isulat . Hindi ko matatawag na book 2 pero who knows kung hanggang saan aabot 'to. Anyway, happy reading. ^^

The Bad Boy Meets Me
Extra Scenes (1)

"Kung makatingin pa, akala mo ang gwapo ng tinitignan. Eh paa ko lang ang katapat no'n."

Naghahaba ang nguso ni Zach habang madiin ang pagtusok sa pagkain.

Kanina ko pa sinusubukang magpaliwanag sa kan'ya pero para lang akong hangin na may bibig pero walang boses dahil hindi n'ya pinapakinggan.

I don't know whether to laugh or cry because of his childishness.

"Let me explain, okay?"

Hindi pa rin n'ya ako tinignan. Sa halip, nag-iba ang korte ng bibig n'ya at ginaya ang sinabi ko. "Let me explain, okay."

Kung hindi lang s'ya naiinis, baka sobrang lakas ng tawa ko.

" 'Yung design kasi ng shirt n'ya ang tinitignan ko." Pagpapaliwanag ko.

Ibinaba n'ya ang tinidor na hawak at nakakunot ang noong tinignan ako. " I can buy you thousands of shirts kung gusto mo. Iba't ibang design, mas makulay at mas maganda. Minu-minuto magpapalit ako ng damit. Magsasawa kang tignan ako. " then he paused for a moment. " Nope. Hindi ka allowed magsawang tignan ako."

Tapos tinignan n'ya ulit ang pagkain.

Hindi ko napigilang tumawa. " Hindi naman ako magsasawang tignan ka. Hindi mo na nga kailangan ng magagandang design ng damit para mapansin ko. Sa gwapo mong 'yan? Matatabunan 'yung damit kaya sa 'yo lang ang focus ko." Pambobola ko.

Doon s'ya tumingin sa 'kin at ngumiti nang matamis. Halos maningkit ang mga mata n'ya sa sobrang stretch ng bibig. "Talaga?"

Natuwa ako sa reaksyon n'ya. 'Yun lang naman pala ang makakakuha ng atensyon n'ya. "Oo naman!" Sagot ko with conviction.

Lumapit s'ya at pinisil ang magkabilang pisngi ko. Nakangiti lang ako habang ginagawa n'ya.

Pero kabaliktaran ng itsura n'ya, bigla-bigla ay naging poker face s'ya . " Eh ba't tinignan mo pa 'yung lalaking 'yun?" Dumiin nang konti ang pagpisil n'ya pero hindi naman masakit.

" Balak kitang bilhan ng damit na kapareho no'n." Gusto kong mapakamot ng ulo.

Lalong naghaba ang nguso n'ya. "Bakit kapeho pa ng damit ng iba?"

"Eh bigla ko lang naman naisip no'ng nakita ko dahil nagandahan ako. Wala sa naman talaga sa plano."

"Kahit bumili ka ng plain shirt at lagyan mo ng kung anu-ano, basta ikaw ang gumawa, isusuot ko." Seryosong sabi n'ya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga? Maniwala."

"I'm telling the truth. Basta gawa mo at nanggaling sa 'yo, I'll cherish it." Seryosong sabi n'ya.

Okay, tignan natin..

"Kaya next time na makakita ka ng magandang suot ng iba, hayaan mo na. Tadyakan ko pa 'yung lalaking kanina eh." Pagbibiro n'ya.

Tumawa ako. " Oo na po."

"Anyway, saan mo sunod pumunta after this, honey bunch ko ?"

What the?! heto na naman s'ya sa endearment n'ya paiba-iba. Nasanay pa lang ako sa Sammy pero may bago na naman s'yang tawag. Pero nah.. kahit gaano kakorni, nakakakilig pa rin. Ganito yata talaga kapag in love.

Nag-isip ako sandali kung saan. "Hmm.. sweetest love ko to the moon and back, ano kaya kung pumunta tayo sa..."

***

Author's note: *lumagok ng ampalaya juice.*

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now