39

4.4K 129 0
                                    


Gusto kong humingi ng paumanhin kung matagal ang update ko. Promise, hindi na aabutin ng buwan o taon ang update ko. Malapit na rin pala itong matapos. Ngayon palang nagpapasalamat na ako. Enjoy reading!

The Bad Boy Meets Me

39

"Live with me, Samantha.."

"Live with you? Coming from someone who I don't even know? Coming from someone who installed cctvs sa bahay ko to monitor me?"

His eyes were pleading. "  I promise, I will never harm you. I admit na may mga nagawa ako pero I didn't mean to scare you..."

"Why did you do that? Suddenly, hindi ko na ramdam na safe ako sa loob ng bahay." isipin ko lang na may mga matang nakatingin pala sa akin noong mga nakaraang araw, kinikilabutan ako. Pero kahit papaano ay nakahinga ng maluwag dahil tinanggal na ni Leam.

" No, please, don't say that.. I just want to see you.. Dahil kapag magkakasama tayo, kay Zach lang ang atensyon mo."

Umiling ako. "Hindi pa rin tama ang ginawa mo."

"I know.. That's why I'm sorry.."

Tumahimik lang ako at nakatingin sa field. Mapayapa ang paligid habang dumadampi sa balat ko ang hangin.

"Hindi ko kakayanin kung hindi mo ako mamahalin.. ."

Tumingin ako sa kan'ya. "Hindi ako sasama sa 'yo. At hindi kita mahal. Kailan mo ba ako maiintindihan?" Nakaka-guilty ang sinasabi ko sa kan'ya pero kailangan ko s'yang diretsuhin. 

"Y-you can learn to love me.." pagmamakaawa n'ya na parang bata. Nagulat ako dahil akala ko ay magagalit s'ya. "O akala mo lang siguro na hindi mo ako mahal dahil sa muntik ko nang gawin sa 'yo. I lost my control. Please, forgive me."

Huminga ako nang malalim. "Leam, naging mabuti kang kaibigan sa akin. Hindi ako nagagalit sa 'yo kahit pinagtangkaan mo  akong... Pinatawad na kita."

Nakatingin s'ya sa akin nang may malungkot na ngiti. "Then live with me. Mas magiging mabuti kung sasama ka sa akin at umalis tayo." Hinawakan n'ya ang kamay ko.  "Magsimula tayong dalawa. I will be on your side and  I will protect you."

"Kanino mo ako poprotektahan kung ang taong sumira ng pamilya ko ay wala na?"

Unti-unting ngumiti si Leam na para bang may naalala. Ang ngiting nakikita ko ay halimbawa ng ngiti ng taong nagpapahirap. " I enjoyed killing him. Nakita mo sana kung paano sya nagmakaawa sa akin." Wala sa loob n'yang sabi. "Tinatawanan ko s'ya while he was begging for his life. At hindi ko s'ya maintindihan kung bakit ginagawa n'ya 'yon. Nagmakaawa s'ya na parang mahalaga ang buhay n'ya. I killed him slowly as I could. I craved for his cries and torment-"

"Tama na.. Ayoko nang malaman, Leam. Wala akong pakialam kung paano mo s'ya.. " hindi ko matuloy.

"You mean pinatay?" Walang pagdadalawang isip na sinabi n'ya.

"Hindi ko pa rin lubos maisip na ginawa mo yun para sa akin. Bakit mo dinumihan ng dugo ang kamay mo para sa akin?"

"Hindi ko ginawa 'yun para sa lang sa 'yo. Dapat lang na may kalagyan s'ya. How could he do that?"

Naiintindihan ko s'ya. Maraming beses na hiniling ko ring sana mamatay na ang step dad ko. And at the back of my mind, nakahinga ako nang maluwag dahil wala na s'ya sa mundo.

Marahan ko s'yang hinawakan sa kamay. " Huwag mo nang uulitin 'yun, Leam. Harm no one."

"No. " Mabilis na sabi niya. "I swear, kapag may kumuha sa yo mula sa akin, mananagot sya." .

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now