19

11.8K 297 31
                                    

The Bad Boy Meets Me
19

''Pupunta raw dito sina Jiro."

Nalipat ang tingin ko kay Zach mula sa  flat screen T.V nya. "Anong gusto mong gawin ko, sunduin sila?" Binalik ko ang atensyon sa pinanonood. 

Padabog na umupo sya sa couch para tabihan ako. "Hey, witch,  hindi por que inalagaan mo 'ko kagabi, may karapatan ka ng barahin ako."   Kumuha s'ya ng pop corn sa hawak kong lalagyan.

Pinanlakihan ko s'ya ng mata at tinuro ang sarili ko. "Sa ganda kong ito, tatawagin mo akong 'witch' ?"

Kumislap ang mga mata. Malamang na may naisip s'yang magandang ipambara sa sinabi ko. At hindi naman ako nagkamali. "Sometimes , dream is better than reality. Wake up , woman! Hindi ka maganda."

Inirapan ko sya then binalik yung atensyon sa pinapanood. Hindi ko na tuloy alam kung anong nangyayari sa palabas. "I refuse to believe you."

"And why ?" he asked

"Because you are a dinosaur. At hindi nagbibigay ng opinyon ang dinosaur sa tao dahil hindi kayo nagsasalita. So, shut up." Pang-aasar ko.

Tinawanan n'ya ang sinabi ko. Indicating na hindi naman s'ya na-offend. "Hindi ka magpapalo, will you?"

I smiled sweetly. "Never."

"Samantha, I have to tell you somehing." Bigla n'yang sabi.

"What?" I asked  habang nakatingin parin sa screen.

Hindi s'ya sumagot.

"Ano 'yung sasabihin mo ? Sabihin mo na dahil hinahati mo ang atensyon ko kaya hindi ko na naiintindihan ang pinanonood."

Naramdaman kong nag-hesitate pa s'ya pero sa huli, huminga s'ya ng malalim at nagsalita. "Thank you for taking care of me last night," He said seriously.

Magsasabi na sana ko ng 'you're welcome' kaso may dinugtong s'yang nakapambwisit sa akin.

"Samantha a.k.a. Miss defensive slash sarcastic slash horrible singer."

I looked at him incrediously. "How dare you? Im not defensive-"

"Gusto mo isa-isahin ko pa kung kailan? Everytime na nagb-blush ka-"

"Shut up! At hindi ako sarcastic-"

"Talaga? Sige, i-deny mo pa." Panghahamon n'ya.

"At mas lalong I am not horrible singer! Medyo namali lang ako ng tiyempo kanina."

No'ng maghugas kami ng plato (yup, kaming dalawa) hindi namin naiwasan ang kumanta. At first ayaw pa n'yang maghugas. Aba masaya s'ya. Syempre hindi ako pumayag. 

"My ears almost bleed." Pagdadahilan n'ya.

Pinanlakihan ko s'ya ng mata. Nilapag ko 'yung popcorn na hawak ko. Hinahamon na naman ako ng isang 'to. "Ang yabang. Boses mo lang ang naririnig mo. Ikaw nga ang nakakahiya dahil kung ano-ano ang lyrics mo at kung saan-saan napupunta ang tono mo. Natatakot nga ako baka bigla ka nalang mapunta sa quiapo."  

"Binabawi ko na 'yung 'thank you' ko . You don't deserve it" he stared at me blankly.

I looked at him innocently. "Nagpapasalamat  ka pala?" I hid my smile. "Anyway you're welcome Mr. Zach a.k.a. Mr. Annoying slash Baduy slash H-O-R-R-I-B-L-E cook."

"I am not annoying."

Taas noo ko s'yang tinignan. " 'Yan ang ginagawa mo ngayon."

"And I'm not baduy."

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now