42

4.8K 123 15
                                    

The Bad Boy Meets Me
42

Nag-e-enjoy ang kapwa ko estudyante sa panonood ng pool volleyball. Ang mga manlalaro ay pinaghalong mga babaeng estudyante na gustong  sumali at players na rin ng school namin. Ang ibang estudyante ay nasa kabilang pool at nagsu-swimming. Sa loob kami ng resort at hindi sa beach upang maiwasan ang anumang disgrasya dahil na rin sa ibang activities.

At ako, nakadungaw mula sa terrace ng second floor dahil ayaw bumaba.
"Wala ka naman kasing dapat ikahiya." Tinabihan ako ni Chloe. Buti pa s'ya , dalang-dala ang swimsuit na suot. Kagaya ng akin , hindi rin revealing ang kan'ya.

Umiling bilang hindi pagsang-ayon. "Nakakahiya."

"Ano bang kinakahiya mo?" Hinawakan n'ya ang roba ko pero mahigpit kong hinawakan. "Tanggalin mo na"

Umiling pa rin ako. "Nakakahiya e."

Natawa s'ya."Ang ganda naman ng kutis mo, may hubog naman ang katawan mo. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hiyang-hiya ka"

"Ayokongtanggalinkasimayisangbagaynanakakahiyangaminakoayflatchested." Walang hinga-hingang sabi ko.

Tinignan n'ya ako na para akong tinubuan ng dalawang ulo. 'Ano?'

Huminga ako ng malalim. "angsabikoyungdibdibkoanokasiflat."

Hinawakan n'ya ako sa magkabilang balikat habang nakahawak naman ako nang mahigpit sa roba dahil baka mahulog. "Relax,Samantha." Pagkakalma n'ya. "Breathe in, breathe out." Sinunod ko ang sinabi n'ya. "Breathe in, breathe-"

"Flat chested ako." Biglang sabi ko. Alam kong namumula ako sa hiya.

"Naku, 'yun lang naman pala. Okay lang 'yan."

Parang gusto ko paring umiyak. Tangka n'yang tatanggalin ulit. "Ang pangit kasi e. Baka pagtawanan ako."

"Haha! Hindi 'yan." She said with assurance. "At bakit ka naman magpapaapekto sa kanila. At isa pa ang sabi sa akin ni Zach, ikaw daw 'yung tipo ng babaeng hindi nagpapatalo . Labanan ang hiya sa schoolmates mo!'' pag-cheer n'ya.

"Hindi mo naiintindihan."

"Ang ano?'' tanong n'ya.

"Hindi naman ako sa schoolmates ko nahihiya.."

"Kanino?"

"Kay Zach." Pag-amin ko.

"Ayeeee. " panunudyo n'ya.

Hindi napigilang mapangiti, "Sira."

"Ayeeee , kinikilig 'yan."

Natawa na ako. Hindi ko aakalain na ang babaeng pinagseselosan ko at iniiyakan nitong mga nakaraang linggo ay makakatawanan ko nang ganito. "Na-Zach Zach puso ako e.'' Pareho kaming tumawa. ''Wag kang maingay." Dugtong ko.

"Oo naman! Ako pa?" at tinuro ang sarili. "Bababa lang ako at kukuha ng maiinom."

"O sige."

"Pero tanggalin mo na muna 'yang robe mo, please? Medyo masakit sa mata e."

"Baka mas masakit pa sa mata kapag tinaggal ko 'to."

Napailing s'ya. "Palabiro ka talaga. Tanggalin mo na."

Kinalas ko ang buhol at tinanggal ang roba.  "You!" Kinuha n'ya sa kamay ko ang roba. " Hindi ka naman flat-chested katamtaman lang ang laki. At bagay naman sa 'yo ang swimsuit! You're gorgeous."

Nagkaroon naman ako ng confidence sa sinabi n'ya. "Thank you."

"You welcome. Sige, alis muna ako." At naglakad s'ya palayo.

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now