41

4.7K 134 3
                                    

The Bad Boy Meets Me

41

"Samantha is out!"

I gave Zach with hateful look while he smirked at me. "Bring it on."  pang-iinis pa n'ya.

Hindi naman ako maiinis sa kan'ya kung ako ang tinamaan n'ya ng bola. Ang kaso, sa bawat bato n'ya ng bola, ako lang ang pinupuntirya n'ya. Kaya tuloy na-out ako sa  larong 'batuhang bola' - isa sa mga activities namin ngayong araw.

Baka ayaw ako ni Zach na nakikita n'ya kaya gusto n'ya akong matanggal-

Hininto ko ang iniisip. Hindi ako pwedeng maapektuhan pa ni Zach. Tapos na sa amin ang lahat. Iniyak ko na lahat ang luhang kaya kong ilabas kaya dapat lang na hindi na ako malungkot dahil sa kan'ya. Masyado nang masakit ang naranasan ko.

Dinala ako ng mga paa sa gilid kung saan nakaupo si Jiro at nakatingin sa sa nilalarong buhangin.

Tumabi ako sa kan'ya. Inasahan kong tatapunan n'ya ako ng tingin pero patuloy pa rin s'ya sa ginagawa.

Kumuha ako ng maliit na patpat sa di kalayuan at nagsulat sa buhangin ng, 'Si Jiro ay tulala' saka s'ya kinalabit at tinuro ang sinulat.

Tinignan n'ya ako. "Ikaw pala. Sorry, hindi kita napansin."

"Okay ka lang ba talaga?" Kanina ko pa s'ya tinatanong non pero tinanong ko ulit s'ya ngayon nang mapansin kong namumula ang mga mata.

Tumango lang s'ya at balik ulit sa paglalaro ng buhangin.

"E bakit namumula ang mga mata mo?"

Napahinto s'ya sa ginagawa . "Ha? Namumula ba? Baka dahil sa buhangin. Natalsikan kasi ako sa mga mata kanina."

I looked at him suspiciously. "Ah.. Sinaktan ka pala ng buhangin "

Hindi s'ya sumagot kaya napabuntong-hininga ako. "Naging tahimik at tulala ka pagkatapos mong makausap si Angelica. Sa tingin ko, hindi simpleng 'hindi pagkakaunawaan' ang meron kayo. I hope, maging maayos ang lahat para hindi ka nasasaktan."

Tinignan ko s'ya nang may pag-aalala nang mapansin kong nakayuko at lang sya at nakatulala. Ilang sandali lang ang nakalipas, may mga patak ng tubig ang nakita kong nanggagaling sa mukha n'ya.

Gulat ang naramdaman ko dahil nakikita kong nagkakaganyan sya at sumunod ay awa.

"Nagi-guilty ako.." maya-maya ay sabi n'ya. Nagtataka ako at gusto kong magtanong pero hindi ko ginawa. Hahayaan ko lang s'ya kung gugustuhin ba n'yang ikwento kung bakit n'ya nararamdaman 'yun.

"Humingi ka ng tawad kung 'yan ang nararamdaman mo." I advised him.

"Hindi sapat."

"Kailan magiging sapat? Kapag sinaktan mo nang sobra ang sarili mo at pagdusahan ang ginawa mo?"

"Baka." Sabi n'ya habang pinupunasan ang luha.

"Even though you hurt yourself, you can't change the past. Sabi nga ni Angelica, kailangan nating mag-move on."

"Move on without punishing myself? That will make me feel more horrible."

"Sobrang sama ba ng kasalan mo sa kan'ya?"

"Sobra. G@go kasi ako e."

"We all make mistakes."

"Yeah" Pagsang-ayon na yan. "But I have to face the consequences." Dinig na dinig ko ang sakit at lungkot sa boses n'ya. " Pagbalik natin, kakausapin ko s'ya at hihingi ako nang tawad. Lalayo ako sa kan'ya at hindi na guguluhin pa. I-I really love her. But sometimes , you have to let go the person you love even if it hurts because that's the right thing to do."

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now