46 - The End

5.2K 121 9
                                    

The Bad Boy Meets Me

"Ready na ba?"

Nakangiting sabi ko pero sa loob ko, gusto kong tumakbo pauwi. Hindi ko pa nakakalimitan 'yung unang beses na nagluto s'ya para sa akin. Pero dahil alam kong excited na excited s'yang ipatikim sa akin ang dish na pinagpaguran n'yang iluto, I do not have a heart to do so.

"Wait, 'wag kang atat. Inaayos ko pa 'yung plating."

"You know, you can just to tell me to wait. Hindi mo kailangang may i-side comment na 'wag kang atat' "

Narinig kong tumawa s'ya.

Naramdaman kong tumayo s'ya sa likod ko at hinawakan ang ulo ko. " Sana magustuhan mo.." tinanggal n'ya ang blind fold at napatingin ako sa nakahain na...

Uh.. ?

"Sa youtube lang ako nag-aral magluto n'yan kaya medyo naiba lang 'yung itsura kesa sa karaniwang kare-kare. At first time ko rin kasing iluto 'yan. " Namumula ang magkabilang tainga n'ya nang umupo sa katapat ko.

Kare-kare 'to?..

"Sus, ayos lang. Understandable naman. Mas mahalaga namang ikaw ang nagluto nito para lang sa 'kin." Okay lang kahit ang weird ng itsura. Kare-kare naman 'to. Kung sinunod n'ya yung nasa video, siguradong wala s'yang nilagay na kung anu-ano maliban sa ingredients na nandon.

Namula s'ya. "Go on, try it."

"Nasaan 'yung bagoong?" Tanong ko no'ng mapansing nawawala ang ka-partner ng pagkain.

"Huh? Nakahalo na lahat d'yan."

Napatingin ako sa niluto n'ya. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa pagkahindik. Kaya pala natatalo ng kulay itim ang peanut butter. Bagoong pala! Akala ko, nasunog!

"Hindi ba dapat hinahalo 'yun?" Nagtatakang tanong n'ya.


Anakngtipaklong

"Uhm.. hindi. Pero okay lang naman kasi pareho lang namang kakainin 'yun."

Parang nakahinga s'ya nang maluwag. " Exactly! That's my reason kaya ko pinagsama."

Nalintikan na.

Kumuha ako ng ulam at tinikman. Kahit gusto kong mapangiwi, pilit kong ngumiti habang tumatango. Ang alat.. huhu. Nakakaiyak.

"Pwede na para sa first time na nagluto ng kare-kare."

" Sige na, kumain ka na."

"Next time, I'll teach you kung paano magluto ng ibang putahe."

Ang lapad ng ngiti n'ya. "Okay."

Tama. 'Yun na nga lang siguro ang dapat kong gawin.

Tinusok ko ng tinidor ang puso ng saging at kinagat.

"Half cooked lang 'yung gulay n'yan para healthy." Pahabol n'ya.

Zach, mga ilang segundo lang na nakasalang sa apoy 'yung 'half cooked' mo?

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now