40

4.6K 120 6
                                    

The Bad Boy Meets Me

40

"S-Samantha..."

Hindi ko pinansin si Leam kahit na kinakalabit n'ya ako. Ang sarap kayang matulog.

"P-Please, h-help me.."

Tsk.

"Uy, S-Samantha.."

Nakapikit pa rin ako.

"N-nasusuka ako.."

Bigla akong napadilat. "Nasusuka ka?!"

Napalakas yata ang boses ko dahil napatingin ang iba sa amin. Pati na rin si Zach na nasa tapat ng upuan namin. May narinig pa akong nag-"yuck" sa di kalayuan.

Tinignan ako ng namumutla at nagpapawis na si Leam. "Thanks for announcing. Tsk.

"Sorry . Nagulat kasi ako. May plastic ka ba? Don ka na sumuka."

Nanlaki ang mga mata n'ya sa pandidiri. "I don't need to do that! Magpalit lang tayo ng upuan, magiging okay na ako. Diyan ako sa tabi ng bintana."

Umiling ako. "Gusto ko rito! Gusto kong tignan ang dinadaanan natin."

"Tignan? Natutulog ka lang naman d'yan."

"Kung si Jiro ang katabi mo, baka nakipagpalit pa s'ya. Kaso mapilit ka kasi na ako ang maging katabi mo kaya magdusa ka.

"Please, susuka talaga ako."

Napangiwi ako.

"Ayan na, nararamdaman ko na. Susuka na ako. Susuka ako sa damit mo--"

"Kadiri ka! Oo na , magpalit na tayo! "

Dahil masikip at umaandar ang bus, hindi na kami tumayo pareho at umalis sa inuupuan. Si Leam ang nag-adjust at tumayo ng konti para makausog ako sa pwesto n'ya hanggang makarating sya sa gilid ng bintana at pumikit. Talagang hilong-hilo.

Napatingin ako sa bandang kanan ko at nakita kong nakatingin si Zach pero nag-iwas din kagad.

Ang totoo, hindi ang pagtingin sa dinaraanan ng bus ang dahilan ko kaya gusto ko sa parte ng bintana. Ayoko lang talagang maging katapat si Zach. Tinuon ko ang atensyon sa harap para di sya mapansin pero sa gilid ng mata ko, nakikita kong sumusulyap-sulyap s'ya.

Bigla naman akong nailang. Bakit pa s'ya tumitingin? Tsk. Pinikit ko nalang ang mga mata ko para makatulog pero walang epekto. Napapadilat pa rin ako at hindi maiwasang mapatingin sa kan'ya. At kagaya kanina, pareho kaming nag-iwas ng tingin. Para kaming mga baliw. Hindi , mali pala 'yun. S'ya lang pala.

Sinong matinong lalaki ang aamin sa 'yong mahal ka n'ya tapos sasabihing hindi kayo pwede dahil baka masaktan yung 'third party?'

Kumunot ang noo ko at sumeryoso ang mukha.  Ang ibang mga estudyante ay natutulog kasama na si Chloe na katabi ni Zach at sa tingin ko, pati si Jiro na nasa likod ng upuan namin ni Leam.

Hindi ko alam kung bakit kasama si Chloe, e hindi naman s'ya estudyante ng eskwelahan namin. Pero siguro, nag-request si Zach na isama s'ya. Kasi sigurado akong gusto n'yang kasama si Chloe.

Narinig kong nagbukas si Zach ng snack at nagulat ako dahil may nakatapat sa akin na Nova. Napatingin ako sa nang-aalok na si Zach pero hindi ko s'ya kinibo. Tinuon ko ang tingin sa bintana ng bus.

May naramdaman akong tumama sa braso ko . At nang tinignan ko, piraso ng nova. Napalingon ako kay Zach pero s'ya, nakatingin lang sa unahan ng bus.

Hindi ko s'ya kinausap. Papansin.

*Tok* May tumama na naman sa braso ko.

"Anong problema mo?" Hindi ko naligilang tanungin s'ya.

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now