13

12.5K 323 3
                                    

The Bad Boy Meets Me

13

Ouch.. My head hurts.

I rested my head against my pillow. I inhaled it. Hmm . . Mint. It relaxed me a bit. Then suddenly, my pillow moved. Paano nangyari 'yun? Pero tsk.. Hindi ko sya pakakawalan. Ang bango nya. I hugged it tightly as I inhaled it again.

"Psycho." My pillow said as it tried to move away from my hug. Kumunot ang noo ko. Nagsasalita ang pillow ko?

Kinurot ko s'ya nang matindi. "HINDI PSYCHO ANG PANGALAN KO."

"Samantha- Ouch. Wake up!"

I recognized that voice. My eyes automatically opened. Nakayakap ako kay Zach while my chin was resting on his shoulder. Nakapikit sya tapos hinihilot yung forehead.

Mabilis akong lumayo sa kanya at umupo sa gilid ng kama. Ganon din yung ginawa ni Zach. "Ouch." Napahawak ako sa ulo ko then massaged it.

Napatingin ako sa kan'ya. Then suddenly, napasigaw ako nang malakas as I threw my pillow to him. Nakalimutan ko yung sakit ng ulo ko. Adrenaline rush ang naghari sa utak ko.

"What the fvcking fck, Samantha?!" Tinanggal nya yung pillow na tumama sa mukha nya.

"You- " tinuro ko sya. "me" tinuro ko yung sarili ko. "bed" tinuro ko yung kama. Then napatingin ako sa suot ko.

I-Im w-wearing his shirt..

"ZACH, anong nangyari kagabi?"

Malapit na 'kong maiyak, promise. Kinuha 'ko yung kumot at niyakap habang nakasandal sa headboard ng kama ko.

"Ang ingay-ingay mo. Please, hinaaan mo ang boses mo ." Mahinahon na sabi n'ya. ''Ginusto mo rin ang nangyari kagabi. Huwag mo 'kong sisihin." tumingin sya sakin then nagkaroon ng nakalolokong ngiti ang labi n'ya.   "Sobrang lakas mo kagabi. I can't believe na tumagal ka more than one round"

My jaw dropped as I looked at him with wide eyes.
Napatingin ako sa abs nya

"T-tell me we didn't do 'IT' "

His eyes glint with mischief.

Lumapit ako sa kanya tapos hinila-hila ko yung buhok nya. "Aw! Stop it, Samantha!"

Hindi ko sya tinigilan. Yumakap yung binti ko sa likod nya habang yung isang braso ko nakaikot sa leeg nya tapos yung isang kamay ko , abala sa paghila sa buhok nya.

"Ouch! Aray! Samantha, stop! ! Ow! F*ck! Ginusto mo rin- aw ! Masakit yan ah! !"

"IBALIK MO ANG VRGINITY KO! HAYUP KA! PAPATAYIN KITA HANGGAT HINDI MO SAKIN NAIBABALIK YUN!" I'm close to crying.

Hinila ko yung magkabilang tenga nya.

"What??- no. Sh*t, Samantha! Ano bang sinasabi mo? Ow! Huminahon ka nga muna!"

"Huminahon?!! Hah! Pano ako hihinahon kung ninakaw mo ang pinakaiingatan ko?!"

Sinakal sakal ko naman sya.

He coughed. "Walang nangyari satin! Ano bang pinagsasasabi mo?! Get away from me!"

Hininto ko yung pagsakal ko sa kanya tapos tinanggal ko yung pagkakayakap ng binti sa kanya. Napansin 'kong im wearing my PJs.

Medyo huminahon ako ng konti. "Eh ano yung sinasabi mong ' Sobrang lakas mo kagabi. I cant believe na tumagal ka more than one round?' "

Na-guilty ako nung nakita kong namumula yung magkabilang tenga nya tapos hinihilot pa nya yung ulo nya.

"Stupid woman . . " he murmured.

Binato ko s'ya ng unan.

Aray!" Nanggigigil na sigaw n'ya. Nakatingin sya nang masama. He took a deep breath.  "Ang sinasabi kong 'yun ay yung sa pag-inom mo! Na ANG LAKAS mong uminom at NAKATAGAL KA MORE THAN ONE ROUND sa pag-inom ng alak!"

Pinag-isipan ko yung statement nya. "e-eh yung sinasabi mong PAREHO nating ginusto?"

"Yung pag-inom nga ng alak!"

Medyo bumabalik na yung ala-ala ko sa nangyari kagabi.

Pinapunta ko sya, nag-inuman kami, and had fun, actually. "Eh pano ka napunta sa kwarto ko at bakit dito ka natulog?"

He gave me a frustrated sigh as he massaged his forehead."Lasing na lasing ka. Hinatid kita dito. Then sinukahan mo ang damit mo. Pinahubad mo yung t-shirt ko at sinuot mo kasi tinatamad ka nang maghanap pa ng damit. Hindi ko alam kung pano ko napunta dyan sa kama mo. Maybe I passed out."

Nakahinga ako nang maluwag. Kumpleto parin pala ang pagkatao ko. At dahil wala nang nagdi-distract sakin, bumalik na naman yung sakit ng ulo.

"Zach . . " Sabi ko habang nakahiga at hinihilot ang noo.

"Hintayin mo 'ko. Narinig kong z-in-ipper nya yung jacket nya tapos lumabas ng kwarto.

My head hurts like heck. I will never drink again.

After like years , pumasok si Zach tapos may inabot saking gamot at isang basong tubig. Agad ko namang ininom. "Hintayin mo lang ng mga 10 minutes mawawala rin yan"

Inaayos nya yung unan tapos nilagay sa ilalim ng ulo ko. I closed my eyes. "Sakit talaga."

"Magluluto lang ako ng breakfast or I think lunch."

Tumaas ang kilay ko habang nananatiling nakapikit. "Weh? Marunong ka?"

I can imagine his signature smirk."Wala ka kasing tiwala sakin"

Sinagot ko s'ya ng tawa. "Well , tignan natin."

He exited the room. Nung nawala na yung sakit ng ulo ko, nag-cr muna 'ko at naghilamos after that lumabas ako ng kwarto as I comb my hair.

Sumisipol sipol si Zach habang nagluluto nung naabutan ko. Napansin 'kong nakapaghilamos na siya. Buti nalang meron akong stock ng hindi pa nagagamit na toothbrush at sabon.

Umupo ako. "Masarap ba yang niluluto mo?" I challenged him.

Tumingin sya sakin then smirked. "Makakalimutan mo ang pangalan mo"

I laughed . "Yabang!" napatingin ako sa paligid. Nagkalat yung pinag-inuman namin kagabi pati narin yung box ng pizza na natatandaan kong pina-deliver ni Zach.

Maya-maya pa nilapag nya yung plato sa harap ko.

Napatingin ako sa pinaka - - er . . Nakaka 'pagtakang?' pagkaing nakita ko sa buong buhay ko. "Uhm, ano 'to?" May pagtatakang tanong ko.

Binigyan nya ko ng nabubwisit na tingin. "Fried egg.'

Nagdikit yung kilay ko. "Egg? Bakit kulay red?" Ginalaw-galaw ko gamit yung tinidor.

Napahilamos si Zach gamit yung kamay.

"Just eat it okay?!" He sat opposite to me.

Nagdalawang isip akong kainin. He was looking at me intently. He looked like a kid waiting for his present. Kumuha ako gamit ang tinidor tapos unti-unting nilapit sa labi ko. I chewed it.

At napakaripas ng tak o sa basurahan tapos niluha yun pinakanakakadiring lasa ng pagkaing natikman ko. Kung pagkaaing matatawag.

Nagmumog ako sa lababo para mawala yung lasa tapos bumalik ng lamesa. "Ano bang nilagay mo dun Zach? Sampung kutsarang asin?" Umupo ako.

Ngumiwi siya. "Bigyan mo naman ako ng credit dahil sa pagluluto ko!"

I rolled my eyes. "fine. One percent for the effort" I tried to hide my smile.

"Wow ah? Parang naawa ka pang bigyan ako ng one percent" he said as he crossed his arms habang nakasandal sa upuan. He was looking at me with amusement.

I chuckled. "Watever Mr-Chef-wanna-be"

He pouted. May sasabihin sana si Zach kaso natigil nung may kumatok. Dahil tamad si Zach , ako ang nagbukas.

Sina B2 at B3 ang napagbuksan ko. I can smell disaster.

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now