20

12K 269 19
                                    


The Bad Boy Meets Me
20

" Don't trust him. Narinig ko sila ni Jiro na nag-uusap. Jiro was convincing him na huwag kang sasaktan pero matigas ang ulo ni Zach. He still wants you to love him. And then, break you. Gano'n ka raw n'ya tuturuan ng leksyon. Kaibigan ko s'ya pero mali ang ginagawa n'ya. For now, please 'wag mo munang hayaang mapalapit s'ya sa 'yo. Nag-aalala kami ni Jiro."

Naalala kong sagot sa akin ni Leam nang tanungin ko s'ya sa kung anong tingin n'ya sa mga aksyon ni Zach. At hindi na rin ako nagulat sa sinabi n'ya. Siya ba naman ang pinag-uusapan. Pero sa loob-loob ko, hindi ko rin maipagkakaila na parang nadaya ako ni ako ni Zach. I mean, medyo nagkalapit kami ng loob. Nag-sorry pa s'ya at inamin ang pagkakamali. Ayun pala, wala ring nagbago.

Kailangan ko ng umpisahan ang plano ko para layuan na ko ni Zach. 

Nakatingin lang ako sa front ng classroom habang nag-iisip at nakapangalumbaba. Nadi-discuss yung teacher namin sa Trigo and wala ako sa mood makinig or lets say ayoko talaga makinig. Ewan ko ba kung bakit ang hina ng utak ko sa Math.

Bakit kasi may mga hindi maka-move on sa X nila. Lalong-lalo na si Math! Bakit kailangan pa nyang paduguin ang ulo ko kakahanap ng X nya.

"Bad trip nga pare eh. Ginagawa akong bata ng magulang ko sa harap n'ya"

Mula sa pagkakatunganga ay nakuha ang atensyon ko ng dalawa kong lalaking kaklase. Medyo umusog ako ng konti at inayos yung upo ko. Sa likod ko sila nakaupo kaya sumandal ako. Trip ko ngayon makichismis.

"Naku pre , turn off yun."

"Oo nga eh. After ng dinner na yun , she broke up with me"

"Masakit ba p're?"

"Hindi. Naunahan lang ako eh. Syempre sa gwapo kong 'to ako dapat mag break. Hindi sila."

Nanlaki yung mata ko. Confident masyado? Pinigilan ko nalang yung sarili ko na humarap sa kanila tapos panlakihan ng mata.

"Kapal ng mukha mo" Tapos nag tawanan silang dalawa. Sa tingin ko nga, naghahampasan dahil sa ingay na naririnig ko. Yan ang behaviour ng mga lalaki na hindi ko malaman kung bakit nila hilig gawin.

Napailing ako. *tok*

Nalipat ang tingin ko sa crumpled paper na napunta sa desk . Nalukot ang mukha ko. Sinong siraulo ang hindi alam kung ano ang pagkakaiba ng desk sa trash can?

Inikot ko yung tingin sa classroom kaya naobserbahan ko yung classmates ko. Iba-iba yung ginagawa. Merong nagdadaldalan , nagsusulat , natutulog , nakikinig at nagpapa-cute sa mga kaklase naming gwapo.

Nahagip ng mga mata ko ang isang taong kaway nang kamay para makuha ang atensyon ko. Si Zach.

Meron syang sinasabi pero hindi ko maintindihan kung ano. Nakangunot yung noo ko. I mouthed him 'what?' . Inulit-ulit niya yung sinasabi.

Pilit kong inintindihin pero talagang hindi ko maintindihan. I looked at him, confused. Wala naman akong nababasa sa bibig nya kundi 'asdfghjkl' lang. In the end, umiling lang ako sa kanya tapos tumingin sa white board na may nakasulat na ibat ibang equation.

May bumato ulit. This time sa likod ko naman tumama. I sighed in frustration then tumingin ulit sa paligid.

Nakita ko si Zach na tinuturo yung papel na nasa kamay ko.

"Basahin mo" sabi n'ya.

Inirapan ko sya then binuksan yung papel. 'Mag-ttry out kami mamaya sa basketball , sasama ka?'

Napangunot ang noo ko. Ano namang gagawin ko dun? At sa na-aalala ko, nung nasa condo kami ni Zach tinanong ko sila kung mahilig sila sa basketball. Ang sabi nila sakin , marunong pero hindi naglalaro palagi dahil ayaw nilang pinagpapawisan. Arte diba? Tapos ngayon magttry out sila?

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now