44

5.2K 144 8
                                    

The Bad Boy Meets Me
44

"Mag-swimming ka na.." pagyaya ni Leam habang nakatingala sa akin. Nasa tubig s'ya habang ako ay nakaupo sa gilid ng pool.

"Okay lang ako." Blangkong sabi ko.

Malungkot s'yang ngumiti. "Please?"
Umiling ako. "Ikaw nalang. Okay na ako rito."

Napabuntong-hininga s'ya. "If you keep on doing that, wala akong choice kundi--"

"Kundi ano, takutin ako, Leam?" May panghahamon na tanong ko. Nagagalit ako sa kan'ya dahil kinailangan kong saktan si Zach para mailigtas. Nagagalit ako sa kan'ya kasi hindi n'ya ako hinayaang maging masaya. Nagagalit ako sa kan'ya kasi hindi ko s'ya malabanan kahit nagagalit ako sa kan'ya. At nagagalit ako sa kanya dahil sigurado akong Zach will hate me forever dahil sa hindi ko ginawa ko.

Kumunot ang noo n'ya sa sinabi ko.

"No! Bakit ba sa tingin mo, sa lahat ng oras, 'takot' ang gagamitin ko sa 'yo?"

"Hindi ba? 'Di ba tinakot mo ako para mapasunod mo akong layuan si Zach?"

Napailing s'ya. "Bakit mo ba sinasabi 'yan kahit sinabi ko na sa 'yong ginawa ko lang 'yon dahil hindi kita kayang pakawalan? Bakit kahit ilang beses kong sabihin sa 'yo, hindi mo maintindihan?"

Tumaas ang sulok ng labi ko. " Hindi kita maintindihan? Ako ang hindi mo maintindihan. At alam mo kung bakit hindi mo ako maintindihan? BECAUSE YOU ARE A SELFISH MONSTER." Punong-puno ng pagkamuhing sabi ko. Wala akong pakialam kahit masama ang mga sinabi ko sa kan'ya. Wala akong pakialam kung saktan n'ya ako. Wala na akong pakialam.

My chest tightened as he smiled sadly. Not exactly the reaction I had expected from him. "This selfish monster is capable of loving, you know." Kinuha n'ya ang kanang kamay ko at tinapat sa dibdib n'ya. "Capable of loving you, capable of doing bad things for you, and capable of enduring your hate just to be with you. Now if you think I'm a monster just because I can't let you go, then fine, think of me that way. Basta makasama lang kita."

Hindi dapat ako nakakaramdam ng guilty pero naramdaman ko. "I'm sorry." Hindi ko napigilang sabihin. "Leam, nagging mabuti kitang kaibigan. Masakit din sa akin na nasasaktan kita. At alam kong ayaw mo akong pakawalan pero kasi Leam selfish ka na.. At unfair ka na sa mga tao sa paligid mo . Kapag hindi nasusunod ang gusto mo, nagagalit ka. Sige, sabihin na nating sasama ako sa 'yo, sa tingin mo ba, magiging masaya tayo? Baka habambuhay kitang kamuhian, Leam. Baka kahit yung nararamdaman ko sa 'yo bilang kaibigan ay mawala. "

He didn't answer. He just looked at me. Tumaas ang kamay n'ya papalapit sa mukha ko at hindi ko naiwasang mapaiwas. Nanlaki ang mga mata n'ya sa ginawa ko-nagulat. Maging ako ay nagulat sa reaksyon ko. Akala ko ay sasampalin n'ya ako pero hindi n'ya ginawa.Nawala ang kabang naramdaman ko nang punasin n'ya ang luha sa pisngi ko.

Malungkot s'yang tumingin. "Hindi kita sasaktan.." he said softly. "Hindi ko alam na gan'yan pala katindi ang takot na naidulot ko sa 'yo. I'm not a monster, Samantha." Paliwanag n'ya. " I am sorry kung selfish ako.. I just to be with you."

"Please, let me go? Please, Leam?" Pagmamakaawa ko sa kan'ya."Pareho lang tayong magsa-suffer kung ipipilit mo ang nararamdaman mo sa akin. Kung ikaw sana ang mahal ko, hindi tayo aabot sa ganito. Pero hindi. I swear, hindi kitang gustong saktan. Maniwala ka."

Hinawakan n'ya ako sa dalawang kamay para bumaba sa pool at niyakap nang magkalebel na kami. "Shhh.." He hushed. Tumahimik s'ya sandali at nag-isip. "What about we make a deal?"

Nagkaroon ng pag-asa ang puso ko. "Anong deal?"

Ngumiti s'ya pero hindi umabot sa ma mata. "Papakawalan na kita at hahayaang makasama si Zach."

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now