24

9.3K 227 20
                                    

The Bad Boy Meets Me
24

"I will not tolerate this kind of behavior. Ilang weeks narin kayong hindi nanggugulong tatlo kaya I thought okay na kayo but I was wrong."

Magkatabi kami ni Jiro habang katapat namin sina Leam at Zach. At kung kanina  si Zach lang ang may blank facial expression, ngayon pati narin sila Leam at Jiro. I cant blame them. Kulang nalang sabihan sila ng salot ng Principal namin. At 'yong term nya na ginamit sa kanila? Nanggugulo ? Para naman silang outcast sa school na 'to na hinalo sa mga mababait na estudyante.

Ngayon ko lang sila nakitang ganyan. Si Zach na walang kahit anong emosyon ang makikita mo sa mukha nya. At sina Leam at Jiro na parang bulang naglaho 'yong charm and playful glint sa kanilang mga mata.

"Bakit ba hindi nalang kayo kumilos na kagaya ng ibang ordinaryong estudyante? Bakit gusto nyo na laging magkaroon ng gulo rito? "

I want to defend them. I want to tell her na mali sya ng sinasabi. Na kagaya rin sila ng ibang estudyante. Oo , kasalanan namin pero hindi nya kailangang husgahan silang tatlo. Lalo na si Zach. She, of all people should know that dahil sya ang ina. Pero hindi ako nagsalita. Bilang estudyante, alam ko ang limitasyon ko. Kahit pang alam ko na masakit ang sinasabi sakin , I should remain silent and polite.

Hinihintay kong magsalita ang tatlo at bastusin si Ms. David pero kagaya ko, nanahimik sila. That's why I'm proud of them.At ngayon  narealize ko na sila 'yong mga tao na  kahit mali ang sinasabi sa kanila, they dont give a d@mn to prove themselves.

"At nagsama pa kayo ng isang babae?! " I heard her sighed. "Suspended kayong apat at gawin nyo 'yong special assignment na ibinigay ko sa inyo. You may now go."

Tahimik kami na tumayo at naglakad papunta sa pinto pero nagsalita ulit sya. "Huwag na kayong pumasok sa classes nyo. Just fix yourselves."

***********

"Pwede ng maging walis tingting 'yang buhok mo ah?" Sabi nya habang inaabot sakin 'yong unan na maliit then  inilagay ko sa ilalim ng ulo.

Inirapan ko sya. Inaasar nya ko kasi antigas ng buhok ko dahil sa pagkain na napadpad dito. "Yabang mo talaga kahit kailan. Pero sigurado ka ba na okay lang sayo na madumihan ang kotse mo?" Sa school na nagshower sina Jiro samantalang sa bahay nalang ako at sa Condo naman ni Zach sya. Sinabihan ko sya na sa school nalang maglinis pero tumanggi sya. Paano naman daw ako? Kaya heto kami sa sasakyan nya, ihahatid ako. He's so sweet sometimes pero mas marami 'yong time na ang sarap nyang sakalin.

He tsked. "Kotse lang 'to kaya walang big deal"

See? Ang tamis nya diba?

"Sasama ba sila Leam magpunta sa Super Market?" I suddenly asked him. Dahil wala kaming pasok bukas , nag-suggest ako na puntahan nalang namin 'yong sinasabi nilang orphanage. Isa rin 'yon sa reason kung bakit nagpaiwan sina Jiro para kuhanin 'yong gifts and chocolates na natanggap nila. Tuturuan ko rin silang gumawa ng cookies na dadalhin namin bukas.

"Yeah. Alam mo naman 'yon may gusto sayo. "

My eyes widened. "Ikaw... Gumagawa ka ng issue. May ibang gusto 'yong tao-"

He snorted. "Talaga lang ah? Kaya pala sinabi nya n'on na may crush sya sayo."

"Nagbibiro lang sya-"

"Kaya pala daig pa nya ang linta kung makadikit. Tapos n'ong natikman ko 'yong isaw, gusto nya sya rin. At n'ong nalaman niyang narinig ko na ang boses mo, gusto nya marinig din. Kung wala syang gusto sayo, bakit sya natahimik n'ong pinunasan ko ang labi mo kanina dahil ang kalat mong kumain?"

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now