26

8.6K 201 8
                                    

The Bad Boy Meets Me
26

"Ano , kaya pa?" Tanong ko kay Zach at sumalapak ng upo sa tabi nya. Pareho kaming nakatukod ang mga kamay para sa suporta. Nandito kami sa field ng orphanage habang nakikipaglaro ng habulan sa mga bata.

Hindi na masakit ang init ng araw sa balat kaya ang sarap na maglaro.

Hindi maipagkakaila na nag-eenjoy kami. Lalo na kanina nasa class room kami at umupo na parang mga batang estudyante. Nung sumayaw at kumanta sila, nakisali rin kami. Nakakatuwa silang pagmasdan dahil halatang sabik na sabik sila nung sinabi ng teacher nila na kakantahin yong Kung ikaw ay masaya . Pakiramdam ko tuloy, naging bata ako sa maiksing oras na 'yon. Kapag pumapalakpak sila, pumalakpak din kami. Kapag pumapadyak at kumendeng sila, ginagaya rin namin. Si Zach nga kanina nung una ayaw pang sumali pero syempre... Napilit ko rin.

Idagdag mo pa na amoy juice and chocolate cup cake ang paligid at 'yong mga nakadikit na chart na pambata sa pader ng room.

Nararamdaman ko 'yung pagtulo ng pawis sa gilid ng mukha ko dahil sa sobrang pagod. "Grabe ang energy nila noh?"

Zach glanced at me as he smiled. "Yeah. Kanina pa tayo naglalaro pero parang hindi sila napapagod. "

"Nah. Tumatanda kana kasi" I joked.

He just chuckled habang isa-isang tinatanggal ang pagkakabutones ng jacket na suot. Para syang model. At kahit pawis sya,ang bango parin nya. Bumagay pa nga yung pawis sa mukha nya.

My eyes widened when he smiled teasingly. Obviously, he saw that I was checking him out. Buti naman hindi ako niloko ni Zach dahil baka masakal ko lang sya sa sobrang kahihiyan.

Pareho naming pinagmamasdan si Leam na abala ngayon sa paghabol sa mga batang malapit sa kanya. Rinig na rinig ang tawanan nila.

"Alam mo kung anong nakakatuwa sa mga bata?" He suddenly asked me.

"Yung matutuwa na sa mga simpleng bagay lang." Sabi nya habang nakangiti kaya napangiti narin ako. Nilagay ni Zach sa gilid nya yung hinubad.

"Oo. Kaya nga nakaka-miss maging bata eh."

"Edi bumalik ka"

Sinuntok ko sa gilid ng braso si Zach dahil sa pang-aasar nya.

"Sama mo talaga!"

He grinned. "Gusto ko kasi makitang nagppout ka"

Nagmake face lang ako at iniripan sya.

" -and mag-blush of course"

"Zach?!" Pinanlakihan ko sya ng mata. Tinawanan lang nya ko.

Napapikit ako ng pag-ihip nang umihip ang hangin.

Ang lamig sa pakiramdam...

Napadilat ako nang maramdamang may dumikit sa noo ko. Napatingin ako kay Zach dahil sa ginawa nya.

"Face me para mas mapunasan ko 'yang pawis mo"

Natigilan man, ginawa ko ang sinabi nya. Nakaharap ang mukha ko sa kanya pero tumitingin-tingin ako kina Leam habang pinupunasan niya ng panyo ang gilid ng mukha ko.

Hindi ko na alam kung s'an ako lulugar. Kahapon n'ong sinabi nya sakin na kinumumuhian nya 'yong sarili, nawalang parang bula 'yong galit ko. Nakalimutan ko 'yong plano nyang saktan ako at napalitan ng kagustuhang tanggalin yung sakit na nakita ko sa mga mata nya. Tapos sinabi pa nya sakin na nakalimutan na nya 'yung pakiramdam na mahalin.

"Ang likot mo." Narinig kong sabi niya. Bubuksan ko sana ang bibig ko para magsalita pero para akong napipe sa sunod na sinabi nya. "Huwag ka nang magbigay ng atensyon sa iba, sakin ka nalang tumingin" He said seriously na parang may ibang pang meaning 'yong sinabi nya.

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now