[37] The Fallen Water and The Bad Weather

Start from the beginning
                                    

"A-ah, sigurado ka ba, Ineng, saiyo lang ito lahat?" nagtatakang tanong niya.

Naguluhan naman ako sa tanong niya? May problema ba don? Masama bang kumain ng halagang dalawang daan ang isang gaya ko?

"Ah, manang ito na po yung bayad niya." sabi ni Kobe sa tabi ko at abot ng two hundred pesos na buo kay Aling Taba at kuha naman sa order ko. "Salamat po! Tara na, Sexy." bulong niya sakin at hinila na ako paalis don.

Naglalakad na kami ngayon dito sa eskinita papunta sa lugawan.

Dito yung eskinita kung saan tinambangan ako ng maraming Wild dragons at iniligtas ni Pogi.

"Naalala mo dito?" tanong niya kaya napatingin ako sakanya. Pareho pala kami ng iniisip. Nakangiti lang siya habang nakatuon ang tingin sa daan. "Simula non, humanga na ako sayo. Ang tapang mo kasing makipaglaban sa isang batalyong goons pagkatapos pala iiyak ka dahil nadawit ang magulang mo. Ikaw pala yung tipo ng babae na Matapang sa iba pero malambot ang puso pagdating sa pamilya. Well, buong Four Muses naman." kwento niya kaya napayuko ako at napangiti. Kinikilig ako. Kyaah!

"Ganon talaga eh, ayoko namang danasin nina Mommy at Daddy ang dinanas nila Tita Danisa at Tito Enrique. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Kaya kahit buhay ko ang nakataya, hindi ako magdadalawang isip na ibuwis 'to para sakanila." sinserong pahayag ko. Huminto naman siya sa paglalakad kaya napatingin ako sakanya. Nakatitig pala siya sakin.

"Ako din. Mahal na mahal kita. Kaya kahit buhay ko, ibubuwis ko para sa kaligtasan mo." sabi niya tsaka ako binigyan ng halik sa labi. Smack lang ah!

Nginitian ko naman siya pagkatapos.

"Mahal na mahal din kita." sabi ko sakanya kaya abot tenga na din ang ngiti niya.

Naagaw ang atensiyon namin ng may pumalakpak sa harapan namin.

"What a romantic scene!!" pumapalakpak na sabi niya.

Napatiim-bagang naman ako ng makilala siya. Kahit nakamaskara siya kilalang-kilala ko ang boses niya!

"JUNO YAMAMURA!" nanggigil na sambit ko.

Tinanggal naman niya ang maskara niya at hindi naman ako nagkamali. Siya nga!

"Ano pa bang silbi ng maskarang yan, kilala mo naman pala ako." saka ito humalakhak.

Marami sila. Mas marami kesa nung unang beses na may tumambang sakin dito.

FVCKING TEYP! DE JAVU?

Napahigpit ang hawak sakin ni Kobe at pilit akong itinatago sa likod niya.

"ANONG KAILANGAN NIYO SAMIN!?" tanong niya.

"Ano pa nga ba? EDI MGA BUHAY NIYO! WAHAHAHAHAHA!" argh! Nakakabingi ang tawa niya!

"May dala kang baril?" bulong ni Kobe sakin habang paatras kami ng paatras dahil palapit naman sila samin.

"Wala. Hindi ako gumagamit ng baril kaya wala ako nun." bulong ko din sakanya.

SH1T! Wala akong dalang kahit anong armas!

"FVCK." mahinang mura niya tsaka may kung anong dinukot sa likuran niya at pilit iniabot sakin ng pasikreto. BARIL? "Gamitin mo na yan. Iligtas mo sarili mo." sabi niya.

Napailing-iling ako at hindi tinanggap ng baril.

"Ikaw ang gumamit niyan. Sanay ako sa hand to hand combat kapag wala ang baseball bat ko." sabi ko sakanya pero mapilit siya.

"Sige na. Hindi tayo uubra kung hand to hand lang, may baril at tubo silang dala." bulong uli niya kaya napatingin ako sa mga nasa harap namin.

Tama siya. May iilan sakanilang may mga baril at marami ang may dalang tubo.

Finding Queen SatanaWhere stories live. Discover now