Part 39

12.7K 319 2
                                    


"YOU'RE STUNNING," he said softly when she came out from her room. Punung-puno ng paghanga ang mga mata nito. She was wearing an avocado green strapless dress. Her hair was up in a bun. Rhinestone-studded ang kanyang green heels.

She smiled happily. Kapag tinitingnan siya ni Jett, parang siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Sa loob ng apat na araw na nakalipas, parang noon lang talaga siya naging masaya sa buhay niya. It was wonderful sharing that part of her life with him. Ang sarap pala talaga nito magmahal. Kaya hindi niya rin masisisi ang mga babaeng nagsusumiksik dito.

He helped her with the household chores since then. Hindi siya nito hinahayaang mapagod. Minsan ay ito pa ang nagpupusod ng buhok niya at nagsusuot sa kanya ng apron. Pinagtawanan niya ito nang magsuot din ito ng apron. Hinabol siya nito hanggang sa garden kaya ginamit niya ang hose upang basain ito. They ended up lying wet on the grass. And he kissed her.

Yesterday, he helped her with the laundry. Bago sila nakapaglaba nang maayos ay naligo muna sila sa bula. Muntik na itong ma-late sa practice dahil sa kalokohan nila. She never imagined him to be that childlike. But at night, he's absolutely no child. He's a very passionate man.

The man I love so much. Gusto na niyang isiping mahal din siya nito. Pero puno siya ng alinlangan. Saka na niya iindahin ang sakit. Basta ang mahalaga ay kasama niya ito ngayon.


Undercover Maid [COMPLETED]Where stories live. Discover now