Part 12

13.1K 392 10
                                    


RAMBULAN galore nga.

Nangingiting sinilip ni Lailani sa bintana ang apat na babaeng sabay-sabay na binigyan niya ng tip. Tip na naroon si Jett nang gabing iyon kahit ipinagbilin ng binata na kahit sinong tumawag o dumating ay sabihing wala ito. Gusto raw kasi nitong magpahinga. Sunud-sunod ang practice at laro nito na sinasabayan pa ng pambababae.

Napapagod din pala ang demonyo. Nasa kuwarto ito at natutulog. Wala itong kamalay-malay sa nagaganap sa labas ng gate ng bahay nito.

Nagsisigawan at nagsasakitan na ang mga babae. Nagpapaluan ng bags. Nagmumurahan. Nagsasabunutan. Sobrang natatawa siya sa napapanood. Gusto niya tuloy kunin sa silid ang nakatagong cellphone at kuhanan ng video ang rambol ng mga babae ni Jett.

Sayang at absent si Mara Crisande. Hindi pa rin kasi ito tumatawag. Hindi pa niya ito nakakausap.

"Ay, Hudas!" Nabigla siya nang may humawak sa balikat niya.

Si Jett. Hudas nga. Dilat na dilat ito na tila hindi bagong gising. Marahil ay nasilip na nito sa terasa ng silid nito ang nagaganap na kaguluhan sa tapat ng gate. Sumilip din ito sa bintana.

"Ano'ng nangyayari? Bakit sila... shit!" May nakita silang tumigil na mga sasakyan. Nagsibaba ang mga village guards. Nagmura uli si Jett at pabagsak na umupo sa sofa.

"Kanina pa nga sila d'yan, Sir, eh. Natatakot akong labasin sila dahil baka pati ako madamay," kunwa'y tarantang sabi niya.

Nasapo nito ang noo. Lihim siyang napangiti. "Bakit nagkasabay-sabay yata sila? Bakit—" Natigil ito sa pagtatanong nang marinig ang pangalan nito sa megaphone. Tinig iyon ng presidente ng Homeowners Association. Muli itong napamura.

Kinagabihan, halos kabagan siya sa katatawa sa pinapanood sa TV sa kusina. Nasa balita na ang naganap na rambulan ng mga modelo at artista sa tapat ng gate ni Jett.

Buong iritasyong iniwasan ni Jett ang ambush interview para rito. Wala itong kamalay-malay na siya ang dahilan ng eskandalo. Gusto niyang kamayan at i-congratulate ang sarili for a job well done. Umpisa pa lang iyon.

Kanina lang ay napanood niya ang laro nito sa TV. Halatang hindi ito makapag-concentrate dahil sa eskandalo. Buti nga.

Napatingin siya sa mga dyaryong inilapag niya sa kitchen table. He made it to the front page.

Kulang pa iyon. Marami pang darating.     

Undercover Maid [COMPLETED]Where stories live. Discover now