Part 1

44K 795 18
                                    


"What?!" bulalas ni Lailani nang malaman kung sinong hudas ang may kagagawan ng isang linggo nang dramatic and violent moments ni Larissa sa bahay.

Ngayon lang niya nakausap nang matino ang kapatid sa ama mula nang mag-umpisa itong magbasag ng vase at picture frames sa sala nila. Pasalamat ito at hindi nito idinamay ang urn na naglalaman ng ashes ng kanyang yumaong ina. Kung hindi ay talagang sinama ito sa kanya.

Sa pagkakatanda niya ay muntik na nitong mabasag ang urn ng ashes ng sarili nitong ina. Ngunit sa huling sandali ay bigla yata itong natauhan at sa halip na basagin ay humahagulhol na niyakap nito iyon. Imbis na ituloy ang unang intensyon niya na kagalitan ito sa pagwawala ay nakaramdam siya ng awa rito.

Kung tutuusin ay sanay na siya sa kadramahan ng kapatid. Bata pa lang sila ay ganoon na ito. Diez y nueve años na ito ngayon ay dala pa rin nito ang ganoong ugali.

Iba ngayon. First time nitong ginawang venue sa pagwawala ang sala at kusina. Dati ay sa sariling silid ito nagbabasag. At kinabukasan, hindi ito sumalo sa kanya sa agahan.

Still, pinagbigyan pa rin niya at nirespeto ang pananahimik nito. Pero nang lumipas ang dalawang araw na hindi pa rin ito nagsasalita ay kinausap na niya ang kapatid.

"Ate, huwag mo muna akong kausapin, please? This is my problem and you can't help me with it." Humugot pa ito ng malalim na hininga. "Please lang, okay?"

Naisip niyang seryoso ang ipinagsisintir nito. Hindi iyon dahil sa napagalitan ito ng professor o nauntog sa pag-akyat sa jeep at pinagtinginan ng mga pasahero.

At ngayong nalaman na niya kung ano ang misteryosong dahilan ng ipinagkaganoon nito, pati siya ay tila gusto nang magbasag ng gamit.

"Yes, Ate. Saktan mo 'ko. Pero 'wag mo nang ipakuwento kung ano talagang nangyari dahil kahit patayin mo ako, hinding-hindi ko sasabihin. Hanggang diyan lang ang maari kong sabihin sa 'yo," nakasibing sabi nito na tila pinipigil ang pag-iyak.

Ikinuyom niya ang mga palad at napapikit nang mariin. Ano pa ba ang kahulugan ng sinabi nito kundi ang isang bagay na iisipin ng kahit sino?

"Bakit ka pumayag? Pinuwersa ka ba niya? Gaga kang talaga! Napakabata mo pa, sinira mo kaagad ang buhay mo! At sa walang kuwentang tao pang iyon mo naisip na magpakasira? Inalagaan kita, ako ang nagsilbing ina mo nang mawala si Tita Ditas! 'Tapos iyan lang ang igaganti mo sa 'kin?

"At si Papa, nagpapakahirap sa ibang bansa para lang mapag-aral ka sa exclusive school na iyon, para masunod lahat ng luho mo at higit sa lahat, para may ipampapalit sa lahat ng gamit mong sinisira at binabasag mo sa tuwing nagwawala ka, pagkatapos ito lang pala ang mapapala sa 'yo?" Nangilid na ang luha niya sa galit. Hindi siya makapaniwalang sa napapadalas na pag-alis-alis nito ay mauuwi sa ganoon.

Kahit na tutol siya sa paggimik nito sa gabi ay hindi niya ito pinaghigpitan. Nauunawaan niya ang hilig ng mga kabataan. Ngunit iba si Larissa.

Nanlaki ang mga mata niya nang may sumagi sa kanyang isip. Napaupo siya sa tabi nito sa sofa at marahas na dinaklot ang mukha nito para titigan ito sa mga mata. "B-Buntis ka ba?" tanong niya sa nanginginig na tinig.

Umiling ito. Medyo nakahinga siya.

"Hindi mo ba naisip na maaaring iyon lang ang gusto niya sa 'yo?" She talked calmly this time. "Hindi man lang ba tumawid sa utak mo na paglalaruan ka lang niya? How could you be so dumb?"

Nag-angat ito ng mukha at tumambad sa kanya ang hilam sa luha nitong mga mata. "Tama na nga, Ate. Please? Lalo lang akong nasasaktan."

Sa sinabi nito ay nalaglag ang pinipigil niyang luha. She ended up embracing her sister.

Maagang yumao ang kanyang ina sa sakit sa baga. Anim na taong gulang siya nang mag-asawang muli ang kanyang ama. Nang sumunod na taon ay ipinanganak ni Ditas si Larissa. Nasawi sa sakit sa apdo si Ditas. Siyam na taon na noon si Larissa at labing anim na siya. Siya na ang nagpatuloy sa pag-aalaga rito at totoong minahal niya ito kahit kapatid lang niya ito sa ama.

Kaya masakit sa kanya ang nangyari rito. And she would be damned if that bastard Jett Alcaraz would get away with what he did to her sister!

Undercover Maid [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora