Part 7

14.2K 404 10
                                    


"OH, my God, Lai! Where are you?"

Bahagya niyang inilayo ang cellphone sa tainga dahil sa lakas ng timbre ng boses ni Weena. Napapayag ito nang sabihin niyang si Jett Alcaraz ang target niya sa istorya. She promised to steal a super-sexy picture of Jett and a pair of used boxers for her editor!

Sinabi niya kay Weena na bestfriend niya ang niloko ni Jett. At gusto niyang matuto ang lalaki at magbago.

"Weena, papunta pa lang ako doon."

"I'm just a little scared for you. He might ravish you, too, hala ka! Take note, ha, used boxers ang gusto ko."

"You're so gross!"

Lulan siya ng taxi patungo sa bahay ni Jett.

Ilang sandali pa ay karay na siya ni Mila at tinatahak na nila ang likuran ng bahay. May swimming pool doon.

"Sir, excuse me. Nandito na po si Leigh," agaw-pansin ni Mila sa lumalangoy na binata.

Tila eksena sa pelikula ang ginawa nitong pag-ahon mula sa tubig. Water was dripping all over his perfectly muscled body. Hinawi pa nito ang buhok na bahagyang tumabing sa mukha. Weena would have screamed her lungs out at the sight.

Ngunit hindi siya. In fact, she hated the view.

Kinuha nito ang bathrobe sa poolside table at isinuot iyon habang kunot-noong nakatingin sa kanya.

"Hi," bati nito nang makalapit. Sinuyod nito ng tingin ang kabuuan niya nang may bahagyang ngiti sa mga labi. "So, ikaw pala ang pinsan ni Mila."

Bahagya siyang ngumiti kahit isang matalim na tingin ang gustung-gusto niyang ipukol dito. "Opo. Ako po si Leigh." Marahan niyang iniyuko ang ulo bilang paggalang. Iniiwas niya ang tingin sa bahagi ng katawan nitong hindi natatakpan ng roba. Nagroba nga, hindi naman itinali.

"Pinsan mo ba talaga siya?" baling nito kay Mila.

"Sir naman. Wala ba akong karapatang magkaroon ng pinsang maganda?" nakalabing biro nito sa amo.

"That's not what I meant." Ngumisi ito at muli siyang tinitigan.

"Dito po siya sa Maynila lumaki. Hindi po probinsyanang katulad ko."

Tumangu-tango ito habang nasa kanya pa rin ang mga mata. "Well, kung pinsan ka niya, wala na tayong pag-uusapan. Alam mo 'yang si Mila, mapagkakatiwalaan 'yan. Umaasa akong ganoon ka rin." At muli nitong binalingan si Mila. "Mila, sabihin mo na lang sa kanya lahat ng kailangan niyang malaman, all right? Bukas pa ang alis mo, hindi ba? Turuan mo siya." Isang kindat ang ibinigay nito sa kanya bago muling tinungo ang swimming pool.

Hindi niya napigilan ang pag-awang ng mga labi sa pagkabigla. Wala yata talaga itong sinasanto. Maski katulong tinatalo!

He might ravish you too... Umalingawngaw sa pandinig niya ang tinig ni Weena. Subukan niya lang at idedemanda ko siya ng sexual harassment!

Umangat ang kanyang kilay. 'PBA star Jett Alcaraz Sexually Harasses Housemaid...' Now, that's another story. But she would never let him lay even a finger on her. Never!

Undercover Maid [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora