Part 23

13.2K 358 4
                                    


HE was stunned. His jaws dropped. His eyes widened a bit. He swallowed hard. And he felt so stupid by reacting that way at the sight of his beautiful maid. Yes. She was so beautiful in that red dress that he couldn't take his eyes off her as she walked slowly towards him with a smile on her lovely face.

"Bagay ba, Sir?"

"Huh? Ah..." And now he was tongue-tied too. He wanted to kick himself. Dammit!

Umikot pa ito. Lalo siyang natuliro. Now, she truly fit the word delectable. Wala na siyang planong sawayin ang sarili sa paggamit ng salitang iyon dito.

"Mukha pa rin ba akong katulong, Sir?" tanong pa ulit nito. Kung may sarcasm sa tinig nito ay hindi na niya iyon binigyang-pansin. He was busy calming himself.

"Not at all," sa wakas ay nakahagilap na siya ng mga letra. But honestly, talking was the last thing on his mind. He just wanted to take her in his arms and kiss her passionately.

Kapwa sila napasulyap sa nakabukas na maindoor nang may mag-doorbell. Sadya niyang iniwang hindi naka-lock ang gate kanina bago siya tumungo sa sala upang hintayin ang paglabas ni Leigh. Nang sa gayon ay mapilitan na lang pumasok si Lindsay sa gate kapag walang katulong na dumalo rito dahil sadya niyang babale-walain ang pag-doorbell nito. He wanted Lindsay to catch him with another woman.

Tinawid niya ang patungo sa maindoor at nasilip niya si Lindsay na kasalukuyang naghihintay ng magbubukas. That girl was really patient. Sabagay, siya nga ay matagal din nitong hinintay na umibig din dito, maghintay pa kaya ng katulong na magbubukas dito ng gate? Paano naman magagawa iyon ng katulong, gayong ito ang gagamitin niya sa palabas?

Speaking of his maid, muli niya itong sinulyapan. And he really wanted to kick himself because he did not want to think anymore. Sinunod na lang niya ang gustong gawin kanina pa. He crossed the distance between them, took her in his arms and crushed her mouth in a hungry, passionate kiss.

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon