Part 20

13.4K 379 3
                                    


"REALLY? Favorite mo ang Gone with the Wind?" bulalas ni Mrs. Alcaraz.

Ngumiti si Lailani, nadala na rin siya sa masiglang pakikipagkuwentuhan sa ginang. Tila nakalimutan na niya na nagpe-pretend lang siya.

Mabuti na nga lang at likas siyang spontaneous at magawa ng kuwento kaya nasagot niyang lahat ng tinanong nito tungkol sa personal niyang buhay kuno—sa pamilya, sa trabaho niya bilang isang simpleng clerk kuno, sa paraan ng pagkakakilala nila ni Jett. Writer nga talaga siya.

"Opo. Kabisado ko pa ang ilang mga lines doon. Like this one... 'I love you. Because we're alike. Bad lots both of us. Selfish and shrewd but able to look things in the eye and call them by their right names'"

"Oh, my God! That's my favorite line!" tuwang-tuwang sabi nito.

"Talaga po? Ang favorite line ko is when Rhett Butler said to Scarlett O' Hara this: 'No, I don't think I will kiss you. Although you need kissing badly. That's what's wrong with you. You should be kissed and often by someone who knows how..." buong emosyong recite niya ngunit kapagdaka'y natigilan. Hindi na niya napansin ang pagbulalas ng ginang sa katuwaan.

Did you really think na hahalikan talaga kita?

"Leigh," untag ng ginang sa biglang pagtigil niya.

"Ho?"

"Were you thinking about Jett? Stop thinking about him, uuwi rin iyon mamaya," may himig-panunuksong saad nito.

Saglit pa lang silang nakakapag-usap ng ginang kanina nang lumapit si Jett at magpaalam. Ngayon ang pictorial nito sa magazine nila kaya maaga itong umalis. Pahapyaw siya nitong hinagkan sa sentido at pinisil sa balikat sa harap ng ina nito. Kung hindi lang nakatingin ang ginang ay baka nasapak niya ito.

Hindi niya alam kung bakit pumayag siya sa palabas nito. "Do you really love my son that much?"

Isang alanganing ngiti ang ibinigay niya rito. Horribly.

"Huwag ka nang mahiya sa akin. Tell me, Hija."

"Yes. I really love him..." Kulang na lang ay sundutin niya ng daliri ang lalamunan para mailabas ang nakapanghihilakbot na kasinungalingang iyon. I really love to kill him...

Tila kinilig ito sa sagot niya. "I like you for my son. Take good care of him, okay?" Ipinatong nito ang palad sa kamay niya. "Dapat ay matutunan mo na akong tawaging 'Mama' mula ngayon. At sa linggo ay iniimbitahan ko kayo ni Jett sa bahay. Gusto kong makilala ka ng papa at lola ni Jett. I'm sure they will like you, too."

Haharap siya sa papa at lola ni Jett? Patay! Ano ba itong napasok niya?

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon