Part 21

12.9K 347 3
                                    


NAPAHIGPIT ang hawak ni Jett sa teleponong nakalapat sa tainga.

"Cousin, are you still there?" untag ni Raf, ang pinsan niyang nasa Amerika.

"Sigurado ka ba talaga d'yan?" paniniyak niya. Kausap niya lang si Lindsay four days ago. Hindi siya makapaniwala sa ibinalita ng pinsan sa kanya. Ipinagpalit na siya ni Lindsay sa iba.

"She can't do this to me," matigas na sabi niya.

"What? I thought you wanted to get rid of her?" takang tanong ni Raf.

"She couldn't possibly dump me."

"Aw, shit, Man. I get it. Jetthro and his colossal ego! Well, just don't forget that she'll be there by tomorrow." Sinabi nito ang flight number. "To personally dump you."

Natutuwa siya sa ibinalita ng pinsan. Hindi na matutuloy ang kasal nila ni Lindsay. Hindi na niya kailangan pang ipagpatuloy ang pagtuturo kay Leigh para sa nalalapit na linggong haharap ito sa ama at abuela. Tapos na ang palabas. Malaya na siya.

But he had never been dumped in his life. Kailangang makaisip siya ng paraan para hindi lumabas na ito ang nang-iwan sa kanya.

"Sir, excuse me. Malinis ba ito o marumi?" untag ni Leigh sa pag-iisip niya. Napalingon siya rito. Itinaas nito ang hawak na pantalon. Napangiti siya.

Why, a pretty maid is very useful, he must admit.

Undercover Maid [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें