Part 29

13.3K 356 2
                                    


"WOW, Pare... ganda talaga ng bagong maid mo," komento ni Reyan, teammate ni Jett. Nagkayayaang mag-inuman ang ilan niyang kasamahan. Naroon sila sa isang bahagi ng garden.

"Oo nga, eh. Kinis, Pare. Ano'ng pangalan n'un?" segunda pa ni Jerry na tulad ng tatlo pang tumatagay ng beer ay nakasunod ang tingin sa lumalakad palayong si Leigh. Saka lang nagtinginan ang mga ito sa kanya nang makapasok na ang dalaga sa loob ng bahay.

"Jett, Pare. Saang agency mo siya nakuha? Kukuha ako ng sampu," hirit ni Paul na nakapagpatawa sa lahat maliban sa kanya.

Tinitigan niya nang masama ang mga nagkomento. He did not know why, but he hated the way they looked at his maid. "Don't mess up with her. Malakas siyang sumuntok."

"Really?" bulalas ni Ray. "Wow, that's my type of girl. Palaban. Pero teka, paano mo nasabi? Nasuntok ka na ba niya? O should I ask... did you mess up with her already? How was it?"

Nagtawanan ang apat. Napatiim-bagang siya at muling tumungga ng beer. "Shut up, Man. Baka naririnig niya kayo."

"O, come on, si Jett F.? The Fast and Furious Female-Fucker, paliligtasin ang ganoon kagandang maid? Di ako maniniwala pag sinabi mong 'No, I didn't try to hit on her,'" panunukso ni Jerry.

Nagtawanan ang mga ito.

He gritted his teeth. "Pare, watch your mouth." Hindi niya makontrol ang inis. Sanay na siya sa mga kalokohan ng teammates. Sanay na siya sa tawag sa kanya ng mga ito. Hindi lang naman siya ang may ganoon kabastos na bansag. Lahat sila ay ginawan ng isa't-isa. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya gusto ang naririnig. Lalo na at tila binabastos na si Leigh.

Nakita niyang tumayo si Reyan. Magsi-CR siguro.

"Nagagalit na yata si Jett kasi pinagnanasaan n'yo 'yung maid n'ya. Magtapat ka na nga, Pare. Hindi mo lang maid 'yun, 'no?" ani Ray.

Nagsalubong ang kilay niya sa narinig. Sasagot sana siya ngunit naunahan siya ni Jerry.

"Pare, ano'ng ibig mong sabihin? Two in one? Maid and bedmate in one?"

Sukat sa sinabi nito ay nagtagis ang mga bagang ni Jett. "Pare, itikom mo 'yang bibig mo, ah! Hindi ganyang klase ng babae si Leigh. Nakakabastos ka na!" sigaw niya.

Natigilan ang apat. Galit na tumayo siya at nag-walkout. Hindi niya gustong mapunta sa umbagan ang pambabastos ng mga ito kay Leigh. Hindi siya talagang pikon. Ngayon lang.

"Pare, you're in love with your maid, in case you haven't noticed!" pahabol ni Ray.

Saglit siyang natigil sa paglalakad. He snorted and resumed walking. In love? Lasing na ang mga ito. Hindi niya lang talaga gusto ang mga pinagsasabi ng mga ito kay Leigh. Napabuntunghininga siya. Gaya ng ipinangako niya rito ay hindi na niya ito nilalapitan at kinakausap kung hindi rin lang kailangan. In fact, parati nga siyang wala sa bahay nang nakalipas na dalawang araw upang talagang iwasan ito. Ginagawa niya iyon upang hindi na ito umalis. Mahirap humanap ng pansamantalang katulong na mapagkakatiwalaan. Hindi niya gustong manghiram ng isa sa mga maids sa bahay ng mga magulang. Para niyang ipinagbili ang privacy niya kapag nagkataon.

Aminin man niya o hindi, may personal siyang dahilan sa pag-iwas. He was beginning to feel something for her. Kung anuman iyon ay dapat na niyang kalimutan. She was his maid, for Pete's sake! Just his maid. He may be attracted to her but she was still his maid. Hindi niya ito dapat pag-uukulan ng anupaman.

Nasa hallway na siya patungo sa banyo nang may marinig siyang nag-uusap sa kusina. May kausap si Leigh? Nagsalubong ang mga kilay niya nang mabosesan si Reyan. Nakita niya itong tinutulungan sa paghuhugas ng pinggan si Leigh. Nag-igtingan ang mga bagang niya.

"Naku, Sir. 'Wag na ho. Kaya ko na ito. Salamat na lang."

"Ayos lang. Sanay akong maghugas ng pinggan. Hindi ako anak-mayamang katulad ni Jett. Galing din ako sa hirap. Umangat lang nang kaunti."

He rolled his eyes. Bilib din siya sa style ng isang ito. Parang siniraan pa siya. At nagpaka-humble pa para lang makuha ang loob ni Leigh.

"Talaga ho?"

"Tiyagaan lang. Ikaw, puwede ka ring umasenso kung gusto mo."

He snorted. Humihirit na ang kumag. Aasenso? Sa tulong nito marahil. Sige lang, alukin mong maging kept woman kung hindi niya basagin 'yang mukha mo... Hindi yata nito narinig ang sinabi niya kanina na malakas sumuntok ang babae.

"Hindi na ho ako nagbabalak na umasenso. Kuntento na ako sa kung anong mayroon ako ngayon."

"Hindi dapat ganyan ang attitude mo. I mean, maganda ka, puwede mong gamitin iyan."

Hah! Sige lang... Reyan S. The Sharp-Shooter S-unprintable-Sucker. Ipagpatuloy mo lang... I'll laugh at your injured face afterwards...or perhaps I'll beat you up myself as well, you scab!

"Paano?" inosenteng tanong ni Leigh.

"I'll help you..."

Napangisi si Jett. Ayan na...

"I have a friend who works at a modeling agency. Manager siya doon. Gusto mo bang maging modelo sa mga print ads and TV commercials and stuff?"

Naglaho ang ngiti niya.


Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon