Part 35

12.7K 326 3
                                    


NAPASINGHAP si Lailani nang makilala ang babaeng nasa tapat ng gate ng bahay ni Jett. Nakilala niya ito kahit madilim ang paligid. Dali-dali siyang bumaba mula sa kotse ni Reyan at nagpaalam sa lalaki bago tinungo si Larissa at hinila ito sa lugar na bahagyang malayo sa gate.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" marahas na tanong niya sa pinagsama-samang galit, pag-aalala at kaba. Hanggang ngayon ba ay hinahabol pa nito si Jett? At ngayong nagkita na sila roon, ano ang idadahilan niya?

May bahagyang galit sa mukha at tinig nito nang magsalita. "Alam ko na ang lahat." Itinaas nito ang cellphone niya. Tinakasan ng kulay ang kanyang mukha. Hindi niya napansin na naiwan niya sa bahay ang cellphone. Nabasa ni Larissa ang mga text messages nila ni Weena. Alam na nito na nagpapanggap siyang katulong at ang ginagawa niyang paghihiganti para rito.

Hinablot niya iyon. Bahagya pa niyang nilingon ang nasa di-kalayuang si Reyan. Hindi pa rin pala ito umaalis. "Listen, Larissa. Trabaho ko ito. It has nothing to—"

"Sino'ng niloloko mo?" agap nito. Pagkatapos ay lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. May guilt sa tinig nito nang magpatuloy. "Hindi mo dapat ginagawa iyan, Ate. Hindi mo alam ang ginagawa mo..."

Tumigas ang anyo niya. "No, alam na alam ko. In fact, malapit nang matapos ang istoryang ginagawa ko para sa kanya. Naiganti na kita, Larissa at—"

"Ikaw ang may kagagawan ng eskandalo ni Jett!" akusa nito.

"Yes. But I'm not done yet. Kaya kung pwede, huwag kang makialam. Umuwi ka na. At huwag na huwag kang magtatangkang suwayin ako dahil alam mo na kung ano'ng mangyayari sa 'yo." Itinago niya sa bag ang cellphone at umakmang tatalikod na rito.

"Wala naman talagang nangyari sa amin..."

Natigil siya sa paghakbang at gulat na muli itong hinarap.

Undercover Maid [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang