Part 28

13K 346 9
                                    


NAGULAT si Lailani nang dumating si Jett kinabukasan na may ngiti sa mga labi. Natigil tuloy siya sa paghihiwa ng rekado para sa tanghaliang lulutuin.

"Nagkamalay na si Granny," masayang balita nito.

Napangiti rin siya. "Mabuti naman." Ngunit kaagad ding nabura ang ngiti niya at napalitan ng pagtalim ng mga mata. Napahigpit ang hawak niya sa kutsilyong tangan. Now, we're back to our issue!

Naglaho rin ang ngiti nito nang makita ang pagbabago ng ekspresyon niya. Tila nahuhulaan na nito ang susunod na eksena. Napaatras ito. Itinaas nang bahagya ang dalawang kamay upang pigilin siya sa paglapit na tangan ang kutsilyo. "'Wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo."

Napatingin naman siya sa kutsilyong hawak. Ibinalibag niya iyon sa kitchen table. "Sorry ka na lang. Hindi kita papatayin. Kung may makukulong dito, ikaw iyon at hindi ako."

Napapikit ito at napasapo sa noo. "Please, Leigh, pag-usapan natin ito nang maayos."

"Hindi!" nandidilat na singhal niya. Padabog niyang hinubad ang apron. "Wala nang dapat pag-usapan pa. Aalis na ako ngayon din at hintayin mo na lang na may dumalaw sa 'yong mga pulis at ang paglabas ko sa TV." Humakbang na siya upang lumabas ng kusina. He snatched her arm. Pinilit niyang magpumiglas.

"Hindi mo puwedeng gawin 'yan," matigas na nitong sabi ngunit may nahimigan siyang munting pagsusumamo sa tinig nito.

"Gagawin ko iyon at hindi ako natatakot sa 'yo." Muli siyang nagpumiglas.

"Kagagaling lang ng lola ko. Baka atakihin uli siya kapag nabalitaan niya iyon. Dahil sa akin kaya siya inatake noong isang araw. Gusto mo bang mamatay siya nang tuluyan?"

Natigilan siya. That's blackmail! Hindi siya makapaniwalang gagamitin ni Jett ang lola nito. At paanong hindi niya kakagatin ang pangba-blackmail nito? Hindi siya masamang tao para pabayaang mamatay ang matanda.

"I'm sorry, okay?" He said softly, still holding her arm. "It was my fault. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko." Then he looked down her lips. Napaiwas siya ng tingin dito.

"'Wag kang umalis. I need you here. Two weeks more, babalik na si Mila. Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. Hindi na kita lalapitan kapag hindi rin lang kailangan. Gusto mo, hindi na rin kita kakausapin. Kapag kailangan na lang talaga. I'll keep my distance from now on. Just don't leave."

Binitiwan na nito ang braso niya. Muli siyang tumingala rito. Talagang hindi na nito magagawa ang ganoon sa kanya dahil buhay na ng lola nito ang nakataya. Dalawang linggo na lang at darating na rin si Mila. At hindi pa talaga tapos ang istorya niya para rito. Wala pa siyang plano upang ma-realize nito ang maling pagtrato sa mga babae. At sa tingin niya ay wala pa rin itong balak huminto sa pambababae. Nagpapahinga lang ang hudas.

Wala nang ibang babaeng makakapasok sa bahay na iyon. Sisiguruhin niya. Haharangan kaagad niya ang mga mag-a-aspire na maging bagong playmate nito.

"If you want... you can punch me again. Just don't leave," sabi uli nito nang hindi siya sumagot.

She gave him an uppercut and left him groaning in pain.


Undercover Maid [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant