Part 34

12.8K 299 1
                                    


"O, ATE LAI! Umuwi ka na agad? Akala ko one month ka doon?" usisa ni Larissa nang maabutan siya sa silid habang naglalagay ng manipis na makeup sa harap ng dresser.

Hindi na niya nilingon ang kapatid. Tiningnan na lang niya ang repleksyon nito sa salamin. "Babalik rin ako kaagad doon." Sinulyapan niya ang wall clock sa silid. Alas seis na at siguradong naghihintay na si Reyan sa tagpuang ibinigay niya.

Day-off niya ngayon. Kagagaling niya lang sa office ng FEM. Umuwi siya ng bahay kanina at nagbihis nang pormal para sa interview na gagawin niya. Hindi niya inaasahang magpapang-abot ni Larissa ngayon.

Bago siya nakaalis sa bahay ni Jett ay nasagot niya ang tawag ni Reyan sa landline. Niyaya siya nitong lumabas upang manood daw ng sine. Pumayag siya sa imbitasyon nito hindi dahil gusto niya. Ginawa niya iyon upang magrebelde sa amo dahil sinabihan siya nito noon na huwag sasama kay Reyan na lumabas.

That jerk! Manloloko talaga. She was a fool believing that he would really stop womanizing. Pati ang abuela ay nakuha nitong lokohin.

He made out with Mara last night. Masamang-masama ang loob niya nang masilip ang mga itong naghahalikan sa sala kagabi bago umakyat sa silid nito. Itinulog na lang niya ang galit sa lalaki. Lalo siyang nasuklam dito kinaumagahan nang walang makitang condoms na nakakalat sa sahig. He didn't use protection! Sa tagal nitong hindi nag-uwi ng babae sa bahay ay baka sobrang nasabik ito at nakalimutan na ang pag-iingat. Paano kung mabuntis nito ang malditang modelong iyon? Mabuti na nga lang at umalis din ang babae bago pa siya nakapagligpit sa kuwarto ni Jett. Baka mabastos niya ito at mag-away silang muli kung nagkita sila roon.

Hindi talaga mawala-wala ang galit sa kanyang dibdib sa panloloko ni Jett sa lola nito. O dahil nga lang ba roon? All right. She was jealous. She was madly jealous. At hindi rin niya matanggap nang ma-realize ang bagay na iyon. But she could not possibly be in love with him. She hated him. Wala itong kuwentang lalaki. Sa katunayan ay nadagdagan ang galit niya rito ngayong nakita niya uli ang kapatid. It couldn't be love. She was just attracted to him. And she hated herself for that.

At lalabas siyang kasama ni Reyan para galitin si Jett.

"Babalik? Parang d'yan-d'yan lang ang Palawan, 'no? Eh, bakit ka umuwi pansamantala?" curious na tanong ng kapatid. Umupo pa ito sa kama niya at inilapag ang hawak na mga libro.

"That's none of your business, Larissa. Intindihin mo 'yang pag-aaral mo," aniya at tumayo na matapos muling sipatin ang mukha sa salamin.

"Ang sungit mo yata. Hindi ba successful 'yung underco—"

"Aalis na 'ko," putol niya at humakbang na palabas ng silid.

"Ate, isang question na lang," habol nito.

Napilitan siyang harapin ito. "What? Make it fast. May lakad ako."

"You're posing as what now?"

She snorted. "I'm posing as an exotic dancer. Happy?"

Naiwang nakanganga si Larissa. Nang makabawi sa pagkabigla ay nagtatatawang humilata ito sa kama ng kapatid. Mayamaya ay napagpasyahan nitong tunguin ang sariling silid. Pero natigilan ito nang mapasulyap sa cellphone na nasa dresser.

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon