Part 16

12.9K 339 3
                                    


NAPABALIKWAS si Lailani ng bangon mula sa pagkakahiga sa kama nang makarinig ng sunud-sunod na katok. Hindi siya makatulog sa inis, ngayon may nambulahaw pa.

Naiinis siya because Jett brought Mara Crisande home—as his woman for the night.

Nagmamaktol na tinungo niya ang pinto. Ano kaya ang iuutos ng amo at nang-istorbo pa? Nang buksan niya ang pinto ay nalaglag ang panga niya. Pinanlakihan siya ng mata at napasinghap sa nakita.

Si Jett. Walang ibang suot kundi boxers! Awtomatikong tinakpan niya ng palad ang mga mata.

"How do you explain this?" iritadong tanong nito.

Yeah, how do you explain that? tili niya sa isip. Buong buhay niya ay hindi pa siya nakakakita ng lalaking halos hubad.

"Alisin mo nga iyan," tukoy nito sa kamay niyang nakatakip sa mga mata niya. He sounded mad. When she reluctantly removed her hand from her eyes, she saw him looking frustrated and yes, mad.

"Bakit hindi mo ginagawa ang trabaho mo nang maayos?" Itinaas nito ang canister na hawak. Nakuha na niya ang gusto nitong sabihin. Bigla tuloy naglaho ang pagkapahiya niya sa pagkakasilay sa halos hubad nitong katawan. Gusto na niyang mapangiti.

Galit ito dahil wala itong nakita ni isang condom sa canister. At gaya nga ng ikinuwento ni Mila noon, naudlot din ang pakikipag-lovemaking nito ngayon sa modelo.

"S-Sir... nakalimutan ko po. Pasensya na. Hindi na mauulit," nakatungong sabi niya, pinipilit iiwas ang tingin sa boxers nito.

Hindi ito kaagad sumagot. Inakala niyang iiwan na siya nito.

"Buy me some now."

Bigla ang pag-angat niya rito ng tingin. "A-ano ho?"

"Bilhan mo 'ko ngayon. At bilisan mo."

"P-pero, Sir, gabi na." Alas onse na ng gabi!

"Wala akong pakialam. Ikaw ang may kasalanan nito. Humanap ka ng 24-hour convenience store."

Naiumpog niya ang ulo sa hamba ng pinto nang makaalis ito.

Undercover Maid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon