Part 10

13.8K 376 2
                                    


Pinatay ni Lailani ang maliit na TV sa kusina. Gabi na ngunit wala pa si Jett. Ipinasya niyang pumunta sa swimming pool sa likod-bahay upang ilubog ang mga paa roon at nang hindi antukin.

Kanina nang silipin niya ang itinatagong cellphone ay may dalawang text messages mula kay Weena na iisa lang ang subject—ang used boxers ni Jett. Nagtext din sa kanya si Larissa at sinabing tumawag ang ama nila at hinahanap siya. May nadagit daw na Puti ang ama nila sa States at mag-aasawa raw uli.

Hay, naku, Papa... magdadagdag ka na naman ba sa collection mo ng urns na may ashes?

Huwag naman sana. She hoped for her father's happiness. Sana rin hindi sila magmana ni Larissa sa tragic and lethal lovelife nito. Nangyari na nga yata. Ang sinapit ng kapatid ay isang trahedya para sa kanya. At dahil doon ay wala na siyang tiwala sa pag-ibig.

Naalala tuloy niya ang mga babaeng tumawag kanina. Ayon kay Jett, naka-divert daw ang lahat ng tawag nito sa landline. Siya na raw ang sumagot sa landline kapag ayaw nitong sagutin sa cellphone ang tawag.

Rebecca ang pangalan ng unang tumawag at siya ring una niyang biktima. Dito niya inumpisahan ang plano.

"Eh, Ma'am kilala n'yo po ba si Ynnez Benevidez? Palagi rin po rito 'yun bukod kina Arrienne Gonzales, Mara Crisande at Rizza Estevez..."

"Sino ba ang hindi makakakilala sa kanila sa kalandiang pinaggagagawa nila? 'Yang si Rizza, escort girl dati 'yan, puro retoke pa. 'Yung si Ynnez, baby ng mga DOM. Manggagamit at nagpapagamit. Kadiri, 'no? Si Arrienne, may sayad. 'Yun lang. At 'yang si Mara, talagang malandi siya from head to toe. Those imbeciles!"

"Naku po, Ma'am. Baka malaman po nila 'yan, baka magkaaway-away kayo."

"Wala akong pakialam. Gusto mo pa, ako magsabi, eh."

Sumunod na tumawag si Ynnez.

"Sinabi ni Rebecca na malandi ako at maraming DOM?"

"Opo, Ma'am. Grabe. Ang sama n'ya ano, Ma'am?"

"Walanghiyang babae iyon! Hindi ako nakikipagrelasyon sa DOM. Promise. At sino siya sa akala niya? Palibhasa kasi, matagal na siyang inayawan ni Jett. Sabihin mo sa babaeng iyan kapag pumunta d'yan o tumawag na siya ang malandi! I'm gonna slap her courtesy-of-science face!"

And last but not the least ay si Arrienne. Napatunayan niyang tama ang sinabi ni Rebecca na may sayad ito. She thought it was hopeless talking to her kaya binabaan niya kaagad ito.

Pagrarambulin niya ang mga babaeng iyon para maturete si Jett. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang dumating ang amo. At hindi siya nagkamali ng iniisip kanina. May kasama itong babae!

"Hi, Yaya!" masiglang bati pa sa kanya ng babaeng tila nakainom. Tumatawa-tawa ito habang nakakapit sa braso ni Jett.

Yaya?! I-yaya mo'ng mukha mo! Namumukhaan niya ang babae—si Rizza Estevez, sexy star turned comedienne.

"'Uy, parang gumanda ka yata ngayon," pansin nito. Hinila na ito ni Jett papasok sa loob ng bahay.

Naisara na niya ang gate ay nanatili pa rin siya roon. Kinilabutan siya sa inis. 

Undercover Maid [COMPLETED]Where stories live. Discover now