Part 32

12.5K 305 1
                                    


Bumalik si Lailani sa silid pagkatapos pagbuksan ng gate si Jett na kasalukuyang iginagarahe ang kotse. Alas diez y media na ng gabi at galing ito sa laro. Napanood niya ang laro nito sa TV kanina at nanalo ang team nito. Magaling pa rin si Jett kahit napansin niyang tila unfocused ito.

Napag-usapan na nila kahapon ang tungkol sa pagpunta nila sa bahay ng mga magulang nito. He was formal and stiff while talking to her. Ni hindi man lang ito ngumingiti. Naisip niyang ginagawa pa rin nito ang ipinangako sa kanya. He was really trying to keep his distance. Parang hindi na ito ang masayahin at malokong si Jett. He seemed so different.

"Leigh," narinig niyang tawag nito mula sa labas ng pinto ng kanyang silid. Kumatok pa ito nang marahan pagkatapos. Sinalubong niya ang malamlam na mga mata nito nang mapagbuksan niya.

"Ibibigay ko lang sa 'yo ito," he said. Iniabot nito ang dalawang paperbags. "'Yan ang isusuot mo sa Sunday."

Tumango na lang siya at akmang pagsasarhan na ito ng pinto nang pigilin nito ang paglapat niyon. Bumuka ang mga labi nito na parang may sabihin nang may marinig silang sunud-sunod na busina. Sinong bibisita rito nang ganoong oras? Akma siyang hahakbang upang daluhan ang bisita nang pigilin siya nito.

"Ako na lang. Sige, matulog ka na," anito at tumalikod na.

Kunwari ay isinara na niya ang pinto ngunit muli rin iyong binuksan mayamaya. She had to know the identity of that late guest.

Undercover Maid [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora