Napatingin siya sa paligid at napabuntong-hininga. Nakapag-empake na siya. Puno na ang maleta. Bukas na nang gabi ang flight nila.

Tumayo siya sa kama at pumunta sa may bintana. Sinilip niya sa labas.  Papunta na siguro sina Charize.

Napansin niya ang isang isang itim na motor, sa tapat ng gate nila. Naka-itim din na jacket at pants, pati na helmet. Parang ninja lang. Umangat ang helmet nito at kahit di niya nakikita, alam niyang tumingin iyon sa bintana niya. Agad ding naman umalis ng makita siyang nakasilip doon.

Kinilabutan siya tuloy. Pakiramdam niya, siya ang sadya noon. Ini-stalk siya. Ewan. Siguro na trauma na siya.

"Carmelita, I think you should talk to him,"

Napalingon siya sa pinsan niya dahil sa sinabi nito. Si Leo ba yon?

"He found my facebook and he's bugging me with messages."

"I-block mo nalang." Sagot niya dito. Lumayo na siya sa bintana at humarap.

"Ugh, Carrie naman." Umirap ito at umupo sa kama niya.

"Para san pa? Sinabi ko na na di tayo magsasampa ng case. Aalis na rin naman ako," sagot naman niya. Buti nga at di na umabot pa sa kapatid niya yung scandal. Baka mapauwi ito ng di oras at may gawing di maganda. Minabuti na nga nilang wag nalang bangitin dito muna. Pagdating nalang doon.

"Saka sinabi ko na rin kay Leo lahat. Naglolokohan lang kami nung una palang. Ayaw pa ba niyang tumigil? Wala na siyang mahihita. "

Umiling si Rose at bumusangot. Mukhang di kumbinsido sa sagot niya.

"And you said that within the earshot of our uncles. Naku ha, I know what you did. I've been dealing with people with messed up minds, nurse ako sa psychiatric ward. Not me, Car. Not me. I know why you did that. You just protected Leo from more pambubugbog from them. You know what our Tsongs did to Buddy. Binanggit mo na may fault ka din kaya ayan, napigil sila. Actually tampo nga sayo ang mga yon. Di ka daw nila pinalaking manggagamit, kawawa naman daw yung tao dahil pinaasa mo," sabi nito.

Wait. What? Kawawa?

Ilang segundo siyang di nakaimik bago nakasagot. "Hindi ah. Gusto ko lang, umalis na siya."

Ngumisi lang ang ate niya at umiling. "Palusot ka pa. You love him. You still do sa kabila ng kalokohan niya.Umamin ka na. Tingnan mo nga, hinarang mo ang sarili mo sa kanya para di malumpo. You didn't even think twice.  Lalo na yang drawing hand mo ang natamaan. Pano na yan,artist ka paman din." Litanya nito.

Napalunok siya. Napahawak siya sa braso. May malaking pasa doon. Ilang araw nga niyang di maigalaw. Ni hindi siya makapag-angat ng pencil man lang.

"Tss. Naman. Ba't parang kampi na kay Leo? Parang naniniwala ka don?"

Nakakainis. Ano ba?

"I've never seen a man so defeated before, Carrie. Di mo ba nakita? Parang balewala lang sa kanyang mabugbog nila Tsong Chichi. But after you said those words, parang batang humagulgol ng iyak," sagot nito at ngumiwi.

"Kakaturn-off kaya. He's gwapo kaso ang pangit magcry. But still. I think he really loves you."

Umirap siya. "Hay nako. Tama na teh. Kung gusto niya talaga, dapat siya mismo ang pumunta dito."

"So you're gonna talk to him na? Bago tayo umalis?"

Umiling parin siya. Narinig niya ang pagbukas ng gate nila at ang matinis na boses ni Charize. Andito na ang dalawa.

Bumaba na siya para salubungin ang mga ito. May dala-dala ngang malaking pizza at ilang packs ng beer in cans.

"Despedida party?" Nasabi naman ang pinsan niya.

The Bully and the BeastWhere stories live. Discover now