CHAPTER 8: The Visitors

ابدأ من البداية
                                    

I sighed and went in front of them, umupo sila sa mga couches at tumingin sa akin na parang mga behave students. Sana ganito sila nung high school kami, huhubels, memories are flooding back. Anyways...

"Sa pagkakaintindi ko sa mga nadinig ko, trouble yung Alpha ng Phoenix?" I asked.

"Si Uno Trillo" sagot ni Kurt.

"Si Uno? Ano'ng nangyari kay Trent? 'Di ba sa kanya niyo iniwan ang Phoenix?" Trent is a year older than Allen, a strong willed and an honest man, he's a really nice and fair man. Siya din ang pinili ng lahat ng members na pumalit kay Bryce since wala nang natira sa mga Class F sa gang.

"Of course, hindi mo alam" said Nathaniel at tumingin sila kay Bryce.

"I didn't tell her" sabi agad niya.

"As expected" said Jason at tumingin uli sila sa akin, "namatay si Trent 5 months ago, na-accidente siya nung papunta sila sa Gang meeting sa East" he explained.

I stared horribly at him, "Wha.." I tried to ask and Bryce was suddenly at my side, holding my shoulders. Hindi ko gaanong kaclose si Trent pero the thought na patay na siya, it drained my energy, "He's..too young to die" I whispered to myself at napatingin ako kay Allen. He smiled sadly to me.

I swallowed the lump in my throat, hindi ako naiiyak dahil patay na si Trent, naiiyak ako dahil bigla kong naimagine na si Allen si Trent, I shook my head to get rid of the thought.

"S-so, pinalitan siya ni..Uno?" I mananaged to ask.

"Si Uno ang Beta kaya automatic na si Uno ang sumunod na Alpha." explained Bryce.

I only know that Uno is a brute and a bully, kaya lang siya naging beta dahil pinatunayan niyang malakas talaga siya physically. Pero that's it, malakas lang siya physically. Hindi ko siya gusto mula pa nung una ko siyang makilala nung itinurn over ni Bryce ang position kay Trent. Poor Trent.

"Hindi na kami pwedeng makialam dahil hindi na kami myembro, and..we don't want any trouble" sabi ni Kurt.

"Pero..what will happen to Phoenix?" I asked and no one answered.

What now? Honestly, I want these boys to help, pero thinking na babalik uli sila sa dati nilang mundo, that's a no-no!

"I'll challenge him" napatingin kami kay Allen.

"No" sabay sabay naming sabi saka tumahimik na naman kami.

"I can do it" pilit ni Allen.

"Alam namin," said Kurt na pinakamalapit sa kanya, "pero hindi mo kailangang gawin yun" he patted Allen's hair, like how he always do.

"Focus ka nalang sa studies mo" dagdag ni Jason.

"Pero teka, ano ba ang problema sa gang ngayon? Why are they in danger?" I asked.

"Yung si Uno, hinamon ang mga gangs mula sa iba't ibang cities" si Nathaniel ang sumagot.

"So pati si Daemon?" I asked.

"Lalo na si Daemon kamo, bad trip siya dun eh, ang ganda nung chicks niya" sabi ni Etong and I glared at him, "problema mo!? Ba't ganyan ka makatingin!?" taas noo niyang tanong pero nakaposition siya ng parang ready nang tumakbo.

"Huwag mo nang patulan," said Kurt, "hinamon talaga niya si Daemon nung huling nagkaroon sila ng gang meeting, hindi ko sigurado kung kelan sila magpapatayan"

"Patayan!?" I asked in disbelief, Kurt looked startled at tumingin siya kay Bryce na nag-sigh at humarap sa akin.

"What he means is, they are going to kill each other" he explained, I just blinked at him. Unbelievable.

"Pare, ininglish mo lang" natatawang sabi ni Jason.

Bryce bit his lower lip saka ako binitawan sabay sabi ng "Right", tumingin siya uli kay Jason at sinenyasang siya na ang magexplain.

"Ganito kasi yun Lexa-" he said but I cut him off.

"I know what you guys mean, hindi lang ako makapaniwalang magpapatayan talaga sila, as in?? At hindi ba kayo shocked? Hello!? Patayan!! Ipatokhang ko nalang kaya sila para mas madali!!?"

"Hindi na, itapon ka nalang namin sa pagitan nung dalawang grupo, boses mo palang nakakamatay na eh" siksik ni Etong na comfortable uli sa pagupo.

"Ikaw ang nagsimula niyan ah" sabi ko saka ako bumwelo, "Eh kung--!" Bryce covered my mouth.

"It's almost midnight, no shouting" paalala niya, nagpumiglas ako saglit pero I gave up din, thinking na hindi siya worth it na patulan so I nodded and he let go of me. Tumingin ako kay Etong at nagboil yung dugo ko nung nagmake face siya at nagsasign pa ng 'loser' using his thumb and pointy finger over his shiny forehead.

"Bryce oh!" sumbong ko pero si Jason ang nambatok kay Etong.

"Teka," siksik ni Kurt, "san napunta si Allen?" tanong niya, saka ko lang napansing wala na nga talaga si Allen.

"Lumabas, may kausap ata sa phone" said Nathaniel.

"Baka si Ashley" sabi ko, but something felt wrong. Mukang parepareho kami ng iniisip kasi sabay kaming tumingin sa door.

Hindi kaya pumunta siya sa hideout ng mga Phoenix!

Nagtinginan kaming lahat, pareho kami na parang gulat at kakarealize lang ang binabalak ni Allen. Tatakbuhin na sana namin ang pinto pero biglang bumukas iyon at pumasok si Allen na hanggang tenga ang ngiti. Nagulat din kami kaya nagkunwari kaming nagi-stretching, pwera kay Bryce na ibinulsa lang ang mga kamay habang nakatingin kay Allen.

"U-uhh, kuya, may kinausap lang po ako sa labas, hehe" he said and looked at us, "ano pong meron?" he asked.

Nagtinginan kami, muka kaming mga timang kaya tumigil kami't sabay sabay tinungo ang hagdan.

"Matulog na nga tayo" said Etong.

"Akala ko talaga tumakas na siya't pumunta sa Phoenix" sabi ni Nathaniel.

"True! Naloka talaga ako" I said and we chatted hanggang sa makapasok kami sa aming mga kwarto.

.

.

.

.

Allen's POV

Huminga ako ng malalim nung nakaakyat na silang lahat at tumingin uli sa phone ko, the message says

'Sige pare, sama kami'.

It's already done. I have to do it.

-=-=-=-=-=-=-

Me and My Boys VOLUME 4حيث تعيش القصص. اكتشف الآن