42 • Last Friday

Start from the beginning
                                    

"Okay, guys. Pahinga muna tayo ng 10 minutes. After 10 minutes, practice ulit ah?" sabi ng leader namin na si Samantha. Sumang-ayon naman ang lahat at tumayo na sa kani-kanilang pwesto para bumili ng makakain.

"Kakain ka ba?" tanong sa akin ni Mikee nang mapansing hindi ako tumatayo mula sa pagkakaupo ko.

"Ayoko. Busog pa ako. Kayo na lang." sagot ko.

"Okay." matipid niyang tugon pagtapos ay sabay sabay nilang nilisan ang covered court at naiwan akong mag-isa. Not totally na mag-isa, marami rin namang tao dito sa court kaso mga hindi ko kagrupo.

Friday ngayon at sa lunes na ang pasok namin. Tapos na ang sembreak. Back to reality na ulit.

3 days na yung nakaraan magmula nung huli naming pag-uusap ni Darren. Sinasanay ko na rin ang sarili ko. Sabi niya, aalis siya para magpagaling pero wala akong idea kung saan siya pupunta. Gusto ko siyang tanungin pero huwag na lang. Maghihintay na lang ako.

Nagpalinga-linga ako sa paligid para tignan kung dumating na ba sila Mikee, Dhaylene at Kessel, pero kahit isa sa kanila ay wala pa. Ang tagal naman masyado nun. Napatigil ako sa paghahanap nang biglang may isang lalaking pumukaw sa paningin.

Darren...

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nagflashback ang lahat simula nang una ko siyang makita dito rin mismo sa lugar na 'to. Ganitong ganito ang eksena noon. Hinihintay ko si Dhaylene para sabay kaming umuwi. Mag-isa lang rin siya noon tulad ngayon at may backpack na nakasabit sa likuran. Nakatungo rin siya noon na tulad rin ngayon. Ang pinagkaiba lang, wala siyang sumbrero ngayon.

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Nilakasan ko ang loob ko. Kung dati ay tinitigan ko lang siya, ngayon ay may karapatan na akong lapitan siya.

"Darren." mahina kong sabi na ikinaangat ng kaniyang ulo.

Nang magtama ang mga mata namin, may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Naghahalo ang pagkagalak at pagmamahal.

Tumayo siya habang nakapako pa rin ang tingin sa mga mata ko. Pakiramdan ko ay may luhang babagsak mula sa aking mga mata dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko ngayon.

"Abrianna." mahina niyang tawag sa akin sabay hinila ang aking kamay at ako'y niyakap. Mahigpit na mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik nang mahigpit. Wala na akong pakialam kung may makakita man sa amin dito o kung karamihan ng tao ay sa amin na nakatingin.

Nang kumawala sa pagkakayakap ay nagtama ulit ang aming mga mata. Tila kahit hindi kami magsalita ay magkakaintindihan na kami gamit ng mga pagtitinginan namin.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya.

"Hinihintay ko lang si Tito Chris, kukunin na niya yung gamit niya dito." tugon niya.

"B-Bakit?" nagtataka kong tanong dito.

"Hindi na siya magtuturo dito. Sasamahan niya ako." sagot niya.

"Bakit? Saan ba kayo pupunta?"

"Diba sabi ko sa'yo, magpapagaling ako?" sambit niya.

"S-Saan nga?" ulit kong tanong.

"Hindi ko na lang sasabihin sa'yo, baka habulin mo pa ako." sabi niya sabay mahinang tumawa.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko sabay ngumiti.

"Huwag kang mag-alala, may promise ako diba?" sabi niya sabay halik sa noo ko. Nang dahil dito ay hindi ko naiwasang mapangiti. Akalain mo yun, yung napakacold na Darren dati, sweet din pala.

"I love you." mahina niyang sabi.

"I love you more." mahina kong tugon.

"Oops, PDA!" sigaw ng isang babae na pamilyar sa amin ang boses. Napalingon kami parehas dito. Sinasabi ko na nga, si Dhaylene. Panira talaga.

"Tse!" inis kong sabi dito.

"Darren!" sigaw naman ng isang lalaki, si Sir Chris.

"Pakitulungan naman ako dito." sabi nito kay Darren habang tinuturo ang mga gamit niya.

"Okay po, tito." tugon niya sabay nilisan ang harapan ko para lapitan si Sir Chris.

"Kayo na ba?" pag-uusisa ni Kessel.

Bubuka pa sana ang bibig ko nang marinig ko nang magsalita ang leader namin.

"Tapos na ang 10 minutes, balik na tayo sa practice." sigaw nito para marinig ng lahat ng aming kagrupo. Hinila naman ako ni Dhaylene pabalik sa pwesto namin. Hindi na ako nakaangal pa.

Napatingin naman ako sa pwesto ni Darren, magkasama sila ni Sir Chris na nag-aayos ng mga gamit.

"Bakit kaya hindi na dito magtuturo si Sir Chris?" mahinang bulong ni Dhaylene habang nakatingin din kila Darren.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"May pakpak ang balita. Tsaka kitang kita naman na kinuha na niya yung mga gamit niya eh. Sayang, wala na tayong adviser. Sana lang talaga eh mabait ang pumalit sa kaniya." mahina nitong tugon.

Nagkibit balikat na lang ako saka tumingin ulit kila Darren. Aksidenteng napatingin din ito sa akin at nginitian ako. Ngumiti na lang rin ako pabalik.

"Ang harot." sabi ni Kessel sabay siniko ang tagiliran ko.

"Aray naman!" reklamo ko.

Kahit gaano pa katagal, maghihintay ako. Kasi alam kong magiging worth it din lahat ng 'to.

• • •

Sorry po sa mabagal na paguupdate ko. Busy lang kasi at malapit na rin ang exams so... Ayun! Thanks po sa lahat ng mga nagbabasa! 💚

TW/IG: @tsinigowden
YouTube: Tsini Gowden

EscapeWhere stories live. Discover now