Naglakad lang kami papasok sa barko at naupo na. "Teka, Kris. Nanlalagkit yung kamay ko. Hugas muna ako ha? Teka lang." paalam ko at tumango lang naman siya. Nagalakad ako papalayo sa upuan pero wala akong makitang pwedeng pagtanungan kung nasaan ang washroom. Ano ba naman to.

Patuloy lang ako sa paglalakad nang mabangga ako nang isang kapre--ah este isang matangkad na lalaki. Takteng pang-aapi sa height ko naman 'to. "Sorry miss." saad niya habang hawak hawak ang dslr niya.

"Okay lan--"

"Ate--Oh my God!" sabay kaming napalingon ni kuyang gwapo na mapang-api ang height sa likod ko. Only to see my sister standing with eyes wide open, "Laura? What happened?" tanong ko sa kanya. Tinuro niya naman yung lalaki na nakabunggo sa akin. Nilingon ko ito at halatang medyo nailang to kaya tinapik ko ang kamay ni Kristine. "Laura!" may pagpuna ang boses ko.

Natauhan naman siya at yumuko, "Ahm. Ano, I'm sorry. Nagulat lang ako at nakita kita dito." saad nya sa lalaki. Magkakilala sila? Tumango naman yung lalaki, "Ayos lang. So what's your name?" tanong niya sa aming dalawa. "I'm..." nag-isip ako. Estranghero to e. Sasabihin ko ba ang pangalan ko? "I'm Lauren sorry sa inasta nang kapatid ko." bahala na nga. Pangalan ko parin naman yun e.

"Yeah. I'm sorry talaga. I'm Laura by the way." pakilala ni Kristine sa kanya. Unlike me, Laura talaga ang tawag nang ibang tao sa kanya. Tumango naman si kuya at naglahad nang kamay sa amin dalawa na magiliw na inabot ni Kristine. Well, inabot ko rin naman ang kamay niya. Di nga lang kasing sabik nang kasama ko. "I'm--"

Di na pinatapos nang kapatid kong magaling ang pagpapakilala niya dahil sumabat na ito. "Ryder Mark Sylvestre. I know you.  Exploring to be a singer for quite time now? Son of Evelyn and Richard Sylvestre one of the richest businessmen he--Oh my word. Sorry ang daldal ko. Idol lang kita dahil ang sipag mo." she smiled shyly kaya natawa ako. Mukha namang naamaze sa kanya si Mark. Teka, ito ba yung pinakita niya sa picture? Aba pogi nga naman talaga sa personal. "Wow. I don't know what to say." naiiling na saad ni Mark. Iniwan ko na sila doon nang makita ko na ang sign nang washroom. Katabi lang pala nang cr. Ay magkaiba pa pala ang washroom at cr? Ay ewan ko.

Lintek na washroom ito pinahirapan lang ako. Takte naman oo. Naglakad ako sa washroom para maghugas nang makarinig ako nang mga ungol. Oh my Gosh! Ano 'yon?

"Come baby. Ah yes. Fnck!" napasinghap ako. Nanggagaling sa cr ang mga tunog. Mga baboy! Hindi na nakapaghintay nang kwarto! Nagmamadaling hinugasan ko ang nanlalagkit ko na kamay para makaalis na doon. Nakakadiri! Yuck! Di ko maiwasang di magisip nang kung ano ano. Duh! Aaminin ko. Green minded ako pero di ko naman kaya makarinig nang ganoon!

"Fnck baby! I'm comming." nakarinig naman ako nang buntong hininga na parang nakaraos. Boses nang lalaki. Oh my gosh! Di na tama to! Nagalakad ako sa harap nang pinto nang cr at kinalampag 'yun. "Mga baboy! Maghanap nga kayo nang kwarto! Cr yan hindi motel!" sigaw ko sa pinto bago naglakad papaalis.

Pero di pa ako gaano malayo ay may kamay na humila sa akin, "Ano ba!" sigaw ko at hinarap ang walanghiyang humila sa akin. Halos mapamura naman ako sa itsura niya. Hindi dahil pangit siya dahil ang totoo ang gwapo niya. Pamura isang beses pwede? Tang*na! Makalaglag underwear ang itsura nyet*!

Nakakunot ang noo niya, oblivious sa ginawa kong pagmumura sa utak ko dahil sa kagwapuhan niya. "Bata anong problema mo?" tanong niya sa akin gamit ang baritonong boses. Pero teka lang. Ano daw? Bata? Nagpuyos naman ako sa galit. "Aba gag* ka pala eh! Mukha ba akong bata sa'yo?!" sigaw ko sa kanya. Buti nalang at di kami nakakahakot nang atensyon.

Umatras naman siya para titigan ako, "Oo." saad niya habang nakangisi. Napatingin ako sa earrings niya sa kaliwang tenga. Nakakaasar pero hindi kabawasan ang earrings niya sa appeal niya. Inirapan ko siya at naglakad na papunta sa upuan namin ni Kristine.

Pagkaupo na pagkaupo ko naman ay impit na nagtitili si Kristine sa akin habang niyayakap ako, "Anyare sa'yo?" tanong ko habang nakunot ang noo. "Si Mark ate! Si Mark! OMG!" napailing nalang ako sa kanya. Ang ngiti na dapat ibibigay ko ay naging ngiwi nang makita ko yung lalaki sa cr na pinalo ang pwet nang babae. Ngumisi lang sa malanding paraan yung babae sa lalaki. Oh my Gosh. Anong nagawa kong kasalanan para makarinig at makakita ako nang ganitong kalandian?

"Hoy ate? Anyare sa'yo?" tanong ni Kristine sa akin. Umalis yung babaeng kaharutan niya at nilingon ako. Sumeryoso muna ang mukha niya bago ngumisi at kinindatan ako. Irap lang ang sagot ko sa kanya bago nilipat ang tingin ko sa asul na karagatan, "Wala may nakita lang akong di ka nais nais." sagot ko sa tanong ni Kristine bago muling sinulyapan ang lalaking bwisit.

I Almost Do ✅Where stories live. Discover now