Chapter 19 (Part 2)

Start from the beginning
                                    

Habang pinagmamasdan ko ‘yung paggalaw ng lapis sa kamay niya, umakyat ‘yung mata ko sa chocolate hills. I gulped, feeling my heartbeat in a sudden rush. Naka-side view kasi siya sakin, kaya kapansin-pansin talaga lalo na’t fitted shirt ang suot niya. I shook my head, and erased the thoughts quickly.

“Baket?” tanong niya.

“Wala.”

Humarap na ako sa TV at huminga nang pagkalalim-lalim—kasing lalim ng balon sa Sadako. Tinabi muna ni Catacuts yung ginagawa niya nang nasa climax na kami. Seriously, napapapikit na lang ako dahil sa pagtili niya. Magtatakip siya ng mukha, e, nakasilip naman! Utang na loob!

Habang nakapatong ang paa niya sa sofa, at tahimik na nakatingin sa TV, ginulat ko siya. Epektib naman dahil napatalon si Catacuts!

“Tang ina, ano ba!” tinulak niya ako kaya natawa ako, “Alam mong nakaka-nerbyos ‘yang movie, e! Bwisit.”

Pinatay na namin ‘yung TV after ng palabas at tumambay na lang ako, bandang 3:45 na yun ng hapon. Tinanong ko siya ng random questions like how did she meet Brent, at sinagot niya naman.

“Sa isang barkada hang-out. Sinama siya ng classmate ko, tapos naging crush ko siya kasi napakamabiro niya nung magkasama kami. Naging textmate, nag-date, naging mag-on, tapos ayun, nagsawa, nagbreak.”

Ngayon ko lang din nalamang first ever boyfriend niya pala si Brent for two years. Ano ba ‘tong babae na ‘to? Nanggaling ba siya sa kumbento?

I leaned forward, pinatong ko ang dalawang siko ko sa tuhod ko at pinagdaop ang dalawang palad ko.

“Paano kung magbreak sila ni Denise tapos gusto niyang makipagbalikan… let’s say next week? Ano’ng sasabihin mo?” tanong ko sa kanya.

Nagpatuloy siya sa pagdodrawing, “Ewan ko.”

“You’ll give him a chance, won’t you?” I glanced her way, and she looked at me.

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now