Chapter 44- Trouble

Start from the beginning
                                    

“Hoy Harris! Ano ba! Sumeryoso ka nga! Ipapakausap kita kay kuya pero wag na wag mo siyang takutin ha? Promise?” ayokong magtiwala sa kanya dahil alam kong mainitin ang ulo nya at tatakutin niya lang si kuya pero nagmamadali na ako.

“Eh bakit ba—“

“Um-oo ka nalang!”

“Oo na. Oo na!”

Patay talaga sakin siya mamaya. “Kuya, may gusto pong kumausap sa inyo.”

Inabot ko sa kanya ang phone at pinagmamasdan ang mukha niya.. maya-maya ay bigla siyang namutla. BRYAN WHAT DID YOU SAY TO HIM?

Dali-daling inabot sakin ni kuya manong guard ang phone at binuksan ang gate. “A-Ah sige po Ma’am makakalabas na po kayo. P-Pasensya na po kayo Ma’am.” puno ng pagsisisi na sabi niya.

Sinasabi ko na nga ba! Humanda ka talaga sakin Harris ka!

Lumabas siya ng kotse ng makalapit ako at pinagbuksan ako ng pintuan. “Bakit ba bumaba ka pa!? Kaya ko naman buksan ang pinto mag-isa! Baka may makakita satin.” sabay pasok ko.

Nang makapasok siya ay sinimulan nya na agad magdrive. “Wow ha. Gandang bati naman nyan baby ko.”

Baby ko. Baby ko.. wag mo akong gamitan ng mga endearment endearment please lang. Naiinis pa ako sayo!

“What did you say to kuya manong guard?” I annoyingly asked him but then he’s just focus on driving, he just shrugged his shoulders.

Binatukan ko nga. “Ano ba, baby? Baka mabangga tayo! Mamaya na tayo magusap please. Ayoko na may mangyaring masama satin dahil lang hindi ako nakapagfocus sa pagddrive.. paano nalang tayo magpapakasal? Magkakaanak? Magkakaapo? Hindi pa nga tayo nakakapaghoney---“

*PAK PAK PAK!*

“Baby! Aray aray! Tama na!”

“Mukha mo tama na! Kanina lang ang init init ng ulo mo habang kausap kita sa phone tapos ngayon inaatake ka na naman ng pagiging bipolar mo at nagpapakasweet. Ano nga kasing sinabi mo kay manong!?”

Wag po kayo mag-alala. Hindi ko naman po siya papatayin sa sobrang inis ko..pero baka malapit na. -_-

“Tsk! Sabi ko patay sya sakin kasi kinausap ka niya.. ako lang ang lalaking dapat kinakausap mo!” and he pouts.

Shemay siomai. Oo, gwapo siya. PERO DAPAT NAIINIS AKO SAKANYA!!

“L-Loko ka talaga!” nanunuyo yung lalamunan ko. Ang gwapo niya! *o* Wala akong pinagkaiba sa mga babaeng kahit araw-araw siyang nakikita ay pinagpapantasyahan siya..

Ano ba Steffie Lian!? Get a grip on yourself!

“Totoo naman e. Lagi ka nalang nakikipagusap kahit kanino.. samantalang pag sakin laging patago. Laging sikreto at dapat walang nakakaalam.”

There’s a hint of pain in his voice.. na para bang naging dahilan kung bakit biglang sumikip ang dibdib ko.

Nasasaktan ko siya....

I suddenly felt stiff.. He glance at me and plastered a smile on his face.. Pilit pero he manage to make it look a reassuring smile. “Pero okay lang naman sakin e, kasalanan ko naman din kung bakit tayo ganito. Willing naman ako maghintay basta para sayo.”

Yung inis ko.. naglaho na.. sumama na sa aircon ng malamig na kotse nya. Pero yung sakit na nararamdaman ko sa mga sinasabi niya...

I feel that there’s something lump in my throat. I can’t speak. Natatakot akong baka may masabi akong mas masakit lalo sa kanya.

Be MineWhere stories live. Discover now