Epilogue

914 32 7
                                    

Epilogue


NAGISING ako nang walang inaalala sa isipan ko. Magaan ang pakiramdam ko, tila parang walang nangyari sa akin. Akala mo wala akong pinagdaan. Lahat nang ginawa ko ay para naman sa lahat, sa mga kapwa ko estudyante. Natahimik at bumalik sa normal ang pamumuhay ng bawat estudyanteng pinapatay ng Life Taker.

Ngayong bumalik na rin ako sa normal kong buhay, hindi ko na rin gaano nararamdaman ang pagbabago ng lakas ng katawan ko. Pero syempre nasa dugo ko pa rin ang lahi ng mga demonyo. Ganun talaga, kahit itanggi ko man, nananalaytay 'yon sa buo kong katawan.

Nagpaalam ako kay Mama na pupunta ako sa school. Bibisitahin ang mga estudyante kung okay na ba talaga ang lahat at wala ng gugulo muli. Hindi na rin naman muna ako papasok sa mga klase ko ngayon, bukas na lang. Masyadong maraming pagsubok ang dumaan kaya kailangan kong magpalubag loob muna at magpahinga.

Nakarating ako sa school ng maluwag ang dibdib, hindi na gano'n dati na tila papasok ka pa lamang sa gate ng paaralan ay kakabahan ka na at kakainin ng takot pero ngayon hindi na, ibang-iba na ang nararamdaman ko. Ang liwalas na nito sa paninigin ko, hindi na madilim ang mga aurang nakikita ko sa paligid. Hindi ko na nararamdaman ang mga naninirahang demonyo. Simula kasi nang mawala na nang tuluyan ang Life Taker ay nawala na rin ang ibang nilalang na ilang taon din nanirahan sa paaralan. Hindi na ituturing na impyernong paaralan ito.

Madaming nangyari. Madaming nasawi ang buhay sa kagagawan ng isang nilalang na gusto lamang ay ang anak niya pero dahil sa kagustuhan niyang mahanap ito. Pinatay niya ang mga estudyante. Wala akong magagawa kung gano'n talaga ang naging pakay niya. Pero hinayaan ko na lang din kasi wala na, tapos na ang pangyayari halos araw araw nagpapanindig balahibo sa mga estudyante.

'Nasaan na kaya si Metria?' muni ko sa sarili ko.

Simula kasi kagabi na pumasok siya sa portal ay hindi na siya nagparamdam sa akin. Saan kaya siya pumunta? Sa Templo kaya ni Master Hanu. Si Master Hanu ay tuluyan nang nawala, isa pa ring misteryo sa amin kung anong nangyari sa kanya pero isa 'yon sa kagagawan ng Life Taker. Siguro nananahan siya ngayon sa mundo nila. Kasama ang ibang may kapangyarihan laban sa mga masasamang nilalang.

Nagkibit balikat na lang ako pumasok sa paaralan. May mga nakasalubong pa akong mga estudyante na masasaya at walang inaalala. Isa pa sa mga ginawa namin ay inalis namin ang masasamang ala ala nila sa paaralan. Para naman mapagaan ang loob nila sa halos ilang taon na pamamalagi dito dahil sa pag aaral.

Pagkapasok ko pa lang nang pinto nang paaralan ay hindi ako nakaramdam ng bigat nang pakiramdam. Tuluyan na ngang naalis ang mga masasamang nilalang sa paaralan. Tama, wala na dapat ikabahala dito.

"Waaah! Ang Gwapo." Hiyaw ng isang babaeng estudyante.

"Drools! Ang astig niya."

"Naku! Sino ba yan? Anong pangalan niya? Waaah!"

Napalingon ako sa mga babaeng nagtitilian saka ko nilipat ang tingin ko sa lalaking tinitilian nila. Sa hindi ko malamang dahilan, nagkaroon nang kurba ang labi ko. Napangiti ako. Hindi ko rin naman maikakaila na ang gwapo nang nasa harap namin ngayon. Tuloy pa rin ang mga tilian nang babae. Naka transparent na salamin si Metria na palapit sa akin, tinanggal niya iyon at sabay kinindatan ako. Ano bang mararamdaman ko? Namumula na ba ako? Nag iinit ako sa titig ni Metria. Nang makalapit siya sa akin ay agad akong inakbayan. Hindi ko alam kung bakit parang nahinto at nabato ako nang gawin niya 'yon.

First time kasi niyang ginawa sa akin 'yon. Tinignan ko siya sa mukha at nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay nagtama na ang mga mata namin sa isa't isa. Hindi ko naman iniwas ang tingin ko, ewan ko ba pero ang sarap lang sa feeling.

Hindi ko rin naman kasi aakalain na mahuhulog ang damdamin ko sa isang lalaking muntik na rin akong patayin. Pero nagbago ang turing niya sa akin, naging kaibigan niya at nililigtas niya ako sa tuwing kailangan ko siya. Ngayon, ano nang nararamdaman ko? May namumuo na rin ata, gusto ko na siya.

Naglalakad lang kami sa hallway ng school. Naka akbay pa rin siya sa akin. Pinagtitinginan kami nang mga estudyante. Pero hayaan na lang sila, dahil kung hindi sa amin wala na rin siguro sila ngayon dito sa mundo.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Metria ngunit ngiti na lamang ang itinugon nito sa akin. Napansin ko sa mga ngiti niya ang kakaiba. Meron siyang itinatago sa akin. Kung ano man 'yon, malalaman ko rin naman siguro. Ibinalik ko ang ngiti ko sa labi at tumingin kay Metria. "Bakit ka nga pala umalis na lang kagabi? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin." Nguso ko pa sa kanya.

"May pinuntahan lang ako." Aniya.

"Saan?"

"Sa mga magulang ko, sa kabilang dimensyon."

"Ahh..." saka ako napatango-tango sa kanya. Hindi pa patay ang mga magulang ni Metria ngunit pinili nilang manirahan sa dimensyong alam nila na mas malakas sila kaya doon na sila nanatili.

Tumuloy kami sa isang silid. Ang classroom namin, walang mga estudyante. Kaya pumasok kami, unang tapak ko pa lang sa silid ay may biglang taong pumasok sa isip ko. Matagal ko nang hindi nakakasama ang isang 'yon. Matagal na, simula nang mahulog kami sa isang kawalan. Nagkahiwalay na kaming dalawa, nagkita man pero hindi na kami nakabalik. Mali, hindi na siya nakabalik sa mundo namin.

Si Jester.

"Metria, paano si Jester? Mababalik pa ba siya?" kinakabahan kong tanong. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Wala na kaming ideya kung nasaan si Jester ngayon.

"Hindi pa ba siya bumabalik?" Mahiwaga nitong sagot sa akin. "Sa pagkakaalam ko, matapos nating talunin ang Life Taker ay kusang nagbalikan na ang mga nilalang na pagala-gala sa kani-kanilang dimensyon dapat maging si Jester din ay nakabalik na dito."

"Wala! Walang paramdam." Narinig ko ang sunod na tugon ni Metria. Hindi ko rin alam kung anong gustong ipahiwatig nun.

Hinigit ako ni Metria papasok sa isang silid. Nilagay niya ang kamay niya sa magkabila kong braso. Nakatitig ang mga mata nito sa akin.

"Nasa panganib si Jester. Kung hindi pa siya nakakabalik, pwedeng hindi na siya tuluyan pang makabalik."

"A-ano?! Ano nang gagawin natin?!"

"Ako nang bahala!"

"Saan ka pupunta?"

"Ililigtas ang kaibigan mo. Xana, kahit anong mangyari babalikan kita."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ilang segundo rin huminto ang utak ko pero sa bibig niya na mula nang galing. Mahal ako ni Metria. At iiwan niya ako sa sandaling panahon para kay Jester.

"M-mahal din kita." Niyakap ko naman si Metria. Agad din namang umalis si Metria sa pagkakayakap sa akin.

Gumawa nang portal si Metria patungo sa kabilang dimensyon. Pero bago pa man siya pumasok ay pinigilan ko muna siya at hinalikan sa mga labi niya. Alam kong matatagalan muli ang pagkikita namin. Ilang segundo rin ko siyang hinalikan ako na rin ang umalis sa pagkakahalik sa kanya. "Humingi ka lang ng tulong sa akin, darating agad ako. Mahal kita."

"Mahal din kita." Ngiti ko pa sa kanya. "Saan ka na ngayon pupunta?"

"Sa Dark World, Xana. Posibleng doon napadpad si Jester kaya nahirapang bumalik dahil masyadong malawak ang mundong iyon na pinamumugaran ng iba't-ibang klaseng nilalang." Aniya. At tinanguan niya ako sa huling pagkakataon.

Pumasok na siya sa portal ay tuluyang hinigop nito. Agad din naman itong nawala. I thought my life has been miserable pero nang dumating si Metria nagbago ang lahat. Nagbago rin ang pananaw ko sa buhay, noong una takot ako sa mga bagay bagay at gustong takasan na lang ang lahat pero dumating siya at binago ang mahinang ako. Si Xana na mahina pero ngayon pinalakas ni Metria.

Hinawakan ko ang kwintas ko.

Alam kong magkikita muli tayo, Metria.

Pangako.

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now