Chapter 4

1.1K 46 8
                                    

Chapter 4


MALAPIT nang matapos ang klase ni Xana. Hindi na rin siya mapakali dahil sa tuwing titingin sa kanya si Mertria ay agad itong kinakabahan dahil nga nasa kanya ang bagay na nahulog nito kanina. Hindi niya alam na baka mamaya alam ni Metria na nasa kanya ang pulang bagay na iyon. Napansin niya din si Metria na parang nagiging aligaga dahil may hinahanap ito sa ilalim ng kanyang upuan at nang magtama ang mata ni Xana at Metria ay parang tumigil ang oras ni Xana at iniwasan na lang siya ng tingin ni Metria at doon naman siya nakahinga ng maluwag.

'Ang tagal naman.' Sabi nito sa sarili. Naiinip na ito dahil gusto na niyang malaman kung anong bagay nga ba ang napulot niya mula kay Metria. Dahil pakiramdan niya may kakaiba talaga siyang nararamdaman kay Metria na hindi niya lang mapaliwanag kung ano man 'yon kaya gusto niya ring alamin.

Binalak ni Xana at Jester na pumunta sa templo upang malaman ang pulang bagay na iyon. At templo kung saan may nakatirang matandang lalaki. Sabihin na nating isang ispiritista o taong nakakausap sa mga hindi ordinaryong nilalang at may mga natatagong enerhiya rin ito na siya rin lamang ang nakakagawa. Medyo may kalayuan ang templo sa paaralan dahil na rin sa isang hiwaga na nagmumula rito.

"Class Dismiss." Nagsitayuan lahat ng estudyante at mga nagmadaling nag ayos nang kanilang mga gamit matapos tapusin ng guro ang klase. Ayaw nilang mag tagal sa impyernong paaralang ito. Nakakasulasok. Nakakamatay at wala kang takas.

Lumapit si Xana sa kaibigang si Jester at bumulong ito. "Samahan mo ako ha? Hintayin kita sa gate." Naglakad na rin naman ito patungo palabas pero bago pa man siya makalabas ng pintuan. Nahagip ng kaliwang mata niya ang matang nakatingin sa kanya ni Metria. Lalong kinabahan ang babae sa nakita kaya agad itong nagmadali palabas ng paaralan.

Simula nang mag umpisa ang klase. Lahat ng estudyante sa loob ng silid ay nahihiwagaan kay Metria, mistulang kahit isa sa mga kaklase nito ay walang gustong makipag usap. Walang gustong lumapit. Dahil sa mga titig pa lang nito, may ibang tinging gustong iparating ito sayo.

Lumabas na din naman si Jester pero natigil ito nang mauna sa kanya palabas si Metria. Hindi na siya nakagalaw sa kinatatayuan subalit tinitignan nito ang bawat lakad ni Metria. At nang mapansin ni Jester na tumigil ito sa paglalakad. Nagtago agad ito para hindi mapansin at nag sign of the cross ng biglaan.

"Ayoko na dito... Please!" Sabi nito sa isip. Nang silipin niya ang pintuan ay wala na doon si Metria kaya ay lumabas na rin siya ng silid. Naginhawaan naman ng pakiramdam si Jester sa pangyayari. Naglakad na lang ito patungo sa locker nito dahil may kukunin itong libro.

Nang makarating siya sa locker niya, binuksan niya agad ito at kinuha ang kailangan ng libro at sinarado na ito pero sa pagsarado niya ng locker niya. Isang papel ang bumungad dito. Isang sticky note na kulay dilaw at may nakasulat dito na mistulang dugo pa ang pinansulat. Dahan dahan namang binasa ito ni Jester. "S-sa likod mo!" Napataas agad nang kilay si Jester sa nabasa. Napakibit balikat naman siya kaya binalik ang dilaw na papel sa loob ng locker.

At nang tumalikod siya.

"Waaaah!" Mistulang mga sigaw na lang ni Jester ang maririnig mo at umaalingawngaw sa hallway. Isang lalaking duguan at may hawak na kutsilyong puro dugo na nakataas at handang saksakin si Jester. Napapikit na lamang ito at inisip na imahinasyon lang ang lahat. "Wala na." Napadilat agad si Jester nang makarinig ng boses at nang tignan niya ito. Si Metria ang nagsalita. Nagulat din siya sa nakita niya kaya napa atras ito bigla at biglang nagkaroon ng kaba sa dibdib nito. "Wag ka na magpasalamat." Ani Metria at saka ito tinalikuran at umalis na at napatuloy sa paglalakad.

Kumalma na lang muna si Jester sa nagaganap. Hindi pwedeng matakot ang isang tulad niya.

Susunod na rin sana si Jester sa paglalakad nang huminto ang lalaki. "Sabihin mo nga pala sa kaibigan mo. Ibalik niya ang Pulang Punyal ko."

"P-pulang punyal?" Walang ideya si Jester sa tinutukoy nito kaya naguluhan siya sa sinabi nito. Hindi na siya sinagot ni Metria at naglakad hanggat sa hindi na ni Jester nakita kung saan ito dumaan.

Nagmadali naman itong tumakbo papunta sa kaibigan. Napansin niyang naghihintay na roon sa labas ng gate si Xana. Tumakbo ito palapit na hingal na hingal at hindi maalis sa kanyang isipan kung paano siya niligtas ni Metria mula sa nilalang na 'yon. Paano nagawa ni Metria 'yon at ano nga ba ang tungkulin niya?

"Bakit ang tagal mo! Ayoko pa naman na nagtatagal dito..." Angal ni Xana sa kaibigan ng makita ang kaibigan na palapit sa kanya.

"Pasensya na!" kamot pa sa batok ni Jester. "Nakakita na naman kasi ako nang hindi dapat nakikita..." Pagpapaliwanag nito.

"Napapadalas ata?" Lumamig ang paligid dahil sa ihip ng hangin pero may haplos ng init talaga ang dumadampi sa mga balat ni Xana na kung ma-expose ka ng tuluyan sa hangin na 'yon ay tuluyan itong masusunog sa sobrang init. Napakuskos naman sa balikat si Xana nang maramdam ang pinaghalong lamig at init ng hangin. "Ano ba! tara na nga!"

Hinigit ni Xana ang kamay nito at dali dali silang sumakay sa humintong taxi sa kanilang dalawa.

Nakarating sila ni Jester ng mga kalahating oras sa sinadyang puntahan na templo. Bumaba sila sa taxi, ani pa ni Xana na hintayin sana sila sa labas ng taxi pero humindi ang driver dahil sa nakakatakot at madilim ang lugar. Naiwan ang dalawa sa labas ng templo at iniwan ng taxi kasama ang duwag na driver nito.

"Kakayanin natin ito!" Pagmamatapang ni Xana. Gusto niya ring malaman kung sino ba talaga si Metria kahit sa simpleng bagay lamang na napulot niya.

"B-Bakit ba kasi nandito pa tayo? Hindi ka ba natatakot?" Halata kay Jester na ayaw niya talaga tumuloy sa templo dahil sa nangyari sa kanya mga ilang oras lang ang nakakaaran. Hindi rin mapakali si Jester dahil palinga linga ito sa paligid.

"Basta malalaman mo mamaya!" Dali dali na silang pumasok sa loob. Nauna si Xana na pumasok at sinundan lamang ni Jester.

Isang templo na puro bato ang paligid at madilim. At mistulang ingay lang ng insekto ang maririnig mo.

"Kunin mo ang phone mo, para may ilaw tayo." Utos ni Xana kay Jester. Agad naman nito kinuha sa bag ang cellphone niya.

Pinindot niya ang cellphone niya gawa nang magkaroon na nang ilaw kahit papaano. At nang iniikot ikot ni Jester ang cellphone dahil nga madilim ang paligid.

"Bwaaa!" Biglang sigaw ni Jester kaya umalingaw-ngaw sa paligid ng templo ang boses nito. At nang mapansin ni Xana ang ilaw sa lalaki ay hindi na sila maghahanap pa sa madilim na templo dahil mukhang nakita na nila ang hinahanap niya.

"Manahimik ka! Bawal maingay dito." Pinalo ng matandang lalaki si Jester kaya natahimik din ito.

"Kayo na po ba ang may ari ng templo?" Pagtatanong ni Xana sa matandang lalaki.

"Oo, anong ginagawa niyo dito? Anong kailangan niyo?!" Medyo nagagalit at naiinis ang tono ng boses ng matanda dahil na rin sa gabi na at dahil na rin sa walang pahintulot na pagpasok ng mga ito sa kanyang tirahan.

"Itatanong ko lang po sana kung ano po ito." Agad ipinakita ni Xana ang pulang bagay na nakuha niya mula kay Metria.

"Ang pulang punyal!" Nagulat ang matandang lalaki sa nakita nito na agad naman itong hinawakan pero binawi agad ito ni Xana. "Paano?" naguguluhan pang sabi ng matandang lalaki.

"Yan 'yon?!" Sabi ni Jester na ikinagalit din nang dalawa dahil sa reaksyon nito.

"Manahimik ka!" Muli itong pinalo ng matanda si Jester pero umilag din ito. "Halika kayo, sumunod kayo sa akin."

Nagtanguan naman ang dalawa para sumunod sa matandang lalaki na kung saan man sila dadalhin.

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now