Chapter 7

1K 39 11
                                    

Chapter 7


"BWAHAHA!!" Isang sigaw ang biglang nagpakaba sa mga estudyante. Natakot ang buong nasa silid nang marinig ang sigaw na iyon. Ang iba ay nagyakapan at ang iba ay nagdasal at ang iba ay walang pakialam. Sari-sari ng mga estudyante ang mga nakikita mong takot sa bawat mukha nila. Kanya-kanyang sigaw.

Tumayo si Metria na sinundan naman ng tingin ni Xana at naglakad papunta doon sa kaklase nilang sinasaniban. Walang nagawa si Xana kundi panoorin na lang ang nangyayari kasama ang mga lalaking kaklase nito na todo hawak sa nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga ito. At nang makalapit naman si Metria doon ay bumangon ito at humarap sa akin at dinuro na naman ako, agad akong hinawakan ni Jester.

"Ikaw! Ikaw! Hindi ka makakawala sa amin!" at ilang saglit lamang ay hinawakan ni Metria ang noo nito at dahan dahan nitong binalik sa pagkakahiga. Parang mistulang nagkaroon ng dumaang anghel dahil sa biglang pagkalma ng sinasanibang estudyante. Kumalma na rin naman si Xana sa nangyari. Pangawalang beses na nangyari na si Metria ang lumutas sa mga ganitong pangyayari at hindi siya nabibigo. Nakahinga ng maluwag ang lahat, pagod at pawis naman ang ininda ng mga humawak sa babaeng kaklase na ngayon ay wala nang malay. Mabuti dahil nandiyan si Metria. Sa ngayon, pagkatapos ng binigti na kaklase nila ay wala na sunod na nangyari o namatay, pero alam nila sa sarili nila na hindi matatahimik kung sino man ang gumagawa nito.

Parang walang nangyari na bumalik si Metria sa kanyang upuan. Titig na titig naman si Xana kay Metria. Mas lalong namuo sa isipan niya kung paano nangyari ang mga 'yon. Paano nagawa ni Metria na pakalmahin ang sinasaniban kung hindi sinasabuyan ng holy water o binabasahan man lang ng bibliya. Iyon lang kasi ang alam nila Xana na gagawin kapag may nangyayari pero laking gulat niya na hawakan lang ni Metria sa noo, kumalma ito bigla. Nang tumingin si Metria sa pwesto ni Xana ay napaiwas naman agad ng tingin si Xana. Rinig ni Xana ang naging ngisi nito. Kakaiba talaga ang feeling niya kay Metria.

Parang may something na nag-co-connect sa kanilang dalawa, hindi niya lang mukha kung ano 'yon dahil siya puno pa rin ng hiwaga kay Metria. Naisipan niya ring bukod sa pag-alam kung anong nangyayari sa paaralan ay kailangan niya ring makilala ng lubos ang taong ito. Tao nga ba? 'Yan ang tanong.

"Kung tatanungin mo ako sa nangyari, hindi kita masasagot." Napakunot na lang ng bigla ng noo si Xana at nang dahil kinausap na siya ni Metria ay naglakas loob na ito.

"Kung ganun? Handa akong malaman." Napataas ng kilay si Metria sa sinabi ni Xana. Napangisi si Metria at tumayo. Matapang at agresibo na tanong ni Xana kay Metria lahat 'yon ay gusto niyang alamin simula ng makuha niya ang pulang punyal na iyon.

Sinundan laman ito ng tingin ni Xana. Naglakad na ito pero tumigil din agad ito. "Gusto mong malaman? Sumunod ka."

Hindi na nag alangan si Xana at sumunod na ito sa paglalakad ni Metria. Pinipigilan pa ito ni Jester pero hindi nagpatalo si Xana pero nagpumilit naman ito na sasama na lang pero hindi naman pumayag si Xana kaya naglakad siya palabas kasunod ni Metria. Wala siyang alam kung saan siya dadalhin ni Metria. May namumuo na naman tuloy na kung ano sa isip niya nab aka si Metria at ang mga gumagawa nito ay iisama lamang. Hindi imposible na mangyari rin 'yon. Tinitingnan nito ang bawat galaw nito at lakad nito. 'Hindi siya normal' sabi ni Xana sa sarili nito dahil sa tindig pa lamang ng taong ito, malayo kumpara sa normal na tao.

Agad napatigil sa paglalakad si Xana na parang naramdaman niya na may sumusunod sa kanya. Pinakinggan nito ang bawat lakad nito. Yabag ng isang babae ang naririnig nito. Nang lumingon siya sa likod nito ay nakita ang puting babaeng nakatagilid ang ulo at nahaharangan ng buhok ang kabilang mata. May mga dugong dumadaloy din sa mukha nito. Napa atras si Xana, isang hakbang na lang ay tatakbo na siya.

Nang nagka tsansya na siyang tumakbo. Kaso nang tumalikod na siya kaharap na niya angbBabaeng duguan ang mukha. Natumba si Xana sa kinatatayuan ay napatulala sa babaeng kaharap nito.

Bigla siyang hinawakan ng babae sa magkabilang braso nito at inalog-alog. Maya-maya ay nagsisigaw na ang babae. Nagkaroon ng liwanag na dahilan para mawala ang babae. Iminulat ni Xana ang mga mata at napansin niyang wala na ito. Tiningnan niya ang kwintas sa leeg na kanyang suot. Hindi nga siya nagkamali, mula sa kwintas ang liwanag. May natatagong kapangyarihan ang kwintas na binigay nang kanyang ina.

Nakita niya si Metria na tumatakbong palapit sa kanya na hawak hawak ang pulang punyal. "Anong nangyari?" Nag aalala nitong sabi kay Xana. Lumapit siya kay Xana at inalalayan itong makatayo.

"May sumugod sa akin." Hinihingal na sabi ni Xana habang inaalala ang madugong mukha ng babaeng sumugod sa kanya na halos puno ng dugo ang buong mukha.

"Anong nangyari? Nasaan na?" nagtataka pang tanong ni Metria habang palinga-linga sa paligid habang hinahanap ang babaeng sumugod sa akin na ngayon ay wala na. Tuluyang nilamon ng putting liwanag na mula sa kwintas ni Xana.

"Nalusaw na siya ng liwanag," papakunot noo si Metria. Ipinakita naman ni Xana ang kwintas na ikinagulat ni Metria ito.

"San mo nakuha yan?" pagtatanong ni Metria.

"Sa mama ko." tipid na sagot ni Xana sa kanya.

"Ikaw nga siguro 'yon."

"Anong ako?" tanong pa ni Xana.

"Dibale na." Napaisip si Metria. "Tara na, may kailangan pa tayong pag-usapan."

Sumunod na si Xana kay Metria. Nang makarating sila sa isang silid na silang dalawa lang. Pumasok silang dalawa dito. Nauna nang pumasok si Xana sa silid. Sumunod si Metria at binalibag na sinarado ang pintuan. Kinabahan bigla si Xana sa padabog nitong pagsarado ng pintuan. Pumunta sa may sulok si Xana. Yakap yakap ang sarili.

May inilabas si Metria na bagay mula sa likod nito. "A-ano yan?" Kinakabahang tanong ni Xana kay Metria. Palapit kasi ng palapit si Metria kay Xana. At mabilis itong nakalapit kay Metria at nakatutok sa leeg ang isang matulis na bagay na parang diamond ang hugis. "Anong pakay mo dito?!!"

Sigaw ni Metria kay Xana. Nag itim ang mga mata ni Xana. Hindi makapaniwala si Metria sa nakita kaya mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak dito. "Papatayin kita!" Sigaw sa kanya ni Metria.

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now